DITO NA, NGAYON NA
Diocese of Kalookan
DITO NA, NGAYON NA
Homiliya para sa Linggo ng Kristong Hari, Ika-20 ng Nobyembre 2022, Lukas 23:35-43
Ang pagpapahayag kay Hesus bilang Hari ay isa sa pinaka-epektibong paraan ni Satanas PARA WASAKIN ANG SIMBAHAN. Kaya gusto kong umpisahan ang pagninilay na ito sa pagdiriwang natin ng Linggo ng Pista ng KRISTONG HARI sa pamamagitan ng isang warning o babala.
Kristong “HARI”—ito ang pinakamabisang tukso ng dimonyo sa mga tao, lalo na sa mga alagad ni Kristo, para imbes na maging simbahang sinodal tayo, imbes na matuto tayong makinig at makilakbay, o imbes na sumunod tayo sa daan ni Kristo ay malihis tayo ng landas. Maraming halimbawa mula sa bibliya. Una—ang magkapatid na apostol Santiago at Juan. Sa version ni San Mateo (Mt 20:21) ang nanay ang humihiling na “iluklok daw ang dalawang anak niya sa kaliwa’t kanan niya sa kanyang KAHARIAN!” Sa version ni San Markos, sila mismo ang humihiling nito. (Mk 10:37)
Isa pang halimbawa, sa kuwento ni San Juan tungkol sa mga taong nag-enjoy sa libreng pagkain na akala nila ay hinocus-pocus ni Hesus mula sa limang tinapay at dalawang isda para pakainin ang limang libo katao. Sa kuwento ni San Juan sa chapter 6, pagkatapos daw ng pangyayaring iyon, hinabol siya ng mga tao para gawin siyang HARI (Jn 6:15). Ano ang ginawa niya? Umakyat sa bundok at iniwan sila. (Subukin mong gawing hari si Hesus ayon sa konsepto mo ng hari sa mundo, lalayasan ka niya.)
Ganoon din sa kuwento ni San Pedro nang tanungin sila kung sino siya para sa kanila. Ang sagot niya, “Ikaw ang Kristo.” (Mk 8:29) Na ang Ibig sabihin ay hinirang na HARI ng Israel. Kaya nang sabihin ni Hesus na ang Anak ng Tao ay magdurusa at ipapapatay sa Jerusalem, biglang hinarang siya ni Pedro at pinipigilan sa paglalakbay. Baligtad kasi iyon sa expectation niya.
Sa kuwento ni San Mateo tungkol sa ginawang panunukso ni Satanas matapos na mag-fasting si Hesus nang 40 days sa disyerto, ang pangatlong tukso ay tungkol sa mga KAHARIAN na pangakong ibibigay daw ng dimonyo kay Hesus sa











