Dumaraming unschedule na brownout sa pinas kwinestiyon ni Sen Escudero.
Sa pandinig ng Senate Committee on Energy nitong martes ay kwinestiyon ni Senador Chiz Escudero sina Usec Guevarra at ERC Dir Montaner sa dumadaming unplanned outages sa bansa. Inilahad ng senador na noong Abril 16, merong 35 unplanned outages sa Luzon, nakapagtala naman ang Visayan ng 48 unplanned outages at 10 naman sa Mindanao.











