Exodus Audio Bible | Tagalog Audio Bible
Tagalog Prayers
Ang ibig sabihin ng pamagat na Exodo ay "pag-alis", at tumutukoy ito sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Israel, ang pag-alis at paglaya nila mula sa pagkaalipin sa Egipto. May apat na pangunahing bahagi sa aklat na ito:
1) ang pagpapalaya sa mga Hebreo mula sa pagkaalipin;
2) ang kanilang paglalakbay patungo sa Bundok ng Sinai;
Show More
3) ang pakikipag-tipan ng Diyos sa kanyang bayan kung saan ibinigay sa kanila ang mga kautusang moral, sibil, at panrelihiyon upang maging gabay sa pamumuhay, at
4) ang pagtatayo ng dakong sambahan at paglalagay ng mga kagamitan dito, at ang pagbibigay ng mga tuntunin tungkol sa mga pari at sa pagsamba sa Diyos.
Higit sa lahat, inilalarawan ng aklat na ito kung ano ang ginawa ng Diyos nang palayain niya ang Israel at gawin silang isang bansa.
Ang pangunahing tauhan sa aklat na ito ay si Moises, ang lalaking hinirang ng Diyos upang pangunahan ang kanyang bayan sa paglaya mula sa Egipto. Ang pinakabantog na bahagi ng aklat ay ang Sampung Utos na nasa kabanatang 20.
Nilalaman:
Pinalaya ang mga Israelita (1:1-15:21)
a. Mga alipin sa Egipto (1:1-22)
b. Ang pagsilang ni Moises ang kabataan (2:1-4:31)
k. Hinarap nina Moises as Aaron ang hari ng Egipto (5:1-11:10)
d. Ang Paskwa at ang pag-alis sa Egipto (12:1-15:21)
Mula sa Dagat ng mga Tambo hanggang sa Bundok ng Sinai (15:22-18:27)
Ang Kautusan at ang tipan (19:1-24:18)
Ang Tolda ng Tipan at mga tagubilin sa pagsamba (25:1-40:38)
Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/
Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music
#tagalogbible
#bible
#exodus
#bookofexodus
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos
#jesus











