EZEKIEL Audio Bible | Tagalog Audio Bible
Tagalog Prayers
Si Propeta Ezekiel ay nabuhay sa panahon ng pagkakatapon sa Babilonia, bago at matapos bumagsak ang Jerusalem noong 586 B.C. Ang kanyang mensahe ay para sa mga itinapon sa Babilonia at sa mga naiwan sa Jerusalem. May an na pangunahing bahagi sa aklat na ito:
1) Ang pagkatawag ng Diyos kay Ezekiel.
2) Mga babala tungkol sa kahatulan ng Diyos at sa darating na pagkawasak ng Jerusalem.
3) Mga pahayag ng Panginoon tungkol sa kahatulan sa mga bansang umapi at nagligaw sa kanyang bayan.
4) Pag-aliw para sa Israel matapos bumagsak ang Jerusalem, at pangako ng isang mas maningning na hinaharap.
5) Ang hula laban sa Gog.
6) Paglalarawan ni Ezekiel sa muling itatayong templo at bansa.
Si Ezekiel ay may matibay na pananampalataya at malawak na imahinasyon. Karamihan sa kanyang mga isipan ay dumating bilang mga pangitain, at inilahad niya ang karamihan sa kanyang mga mensahe sa pamamagitan ng mga sagisag. Binigyan niya ng diin ang pagbabago ng puso at espiritu, at ang pananagutan ng tao sa kanyang mga kasalanan. Ipinahayag din niya ang kanyang pag-asa sa pagbabagong-buhay ng bansa. Bilang saserdote at propeta, mayroon siyang tanging malasakit sa templo at sa pananatili ng kabanalan.
Show More
NILALAMAN
a) Ang pagkatawag kay Ezekiel 1:1-3:27
b) Mga pahayag ng kapahamakan sa Jerusalem 4:1-24:27
k) Ang kahatulan ng Diyos sa mga bansa 25:1-32:32
d) Ang pangako ng Diyos sa kanyang bayan 33:1-37:28
e) Ang hula sa Gog 38:1-39:29
f) Isang pangitain tungkol sa templo at lupain sa hinaharap 40:1-48:35
Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/
Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music
#ezekiel
#tagalogbible
#bible
#panalangin
#prayer
#diyos
#salitangdiyos
#filipino
#bibliya
#tagalogprayer











