EZRA Tagalog Audio Bible


Ang Aklat ni Ezra ay karugtong ng mga Aklat ng Mga Cronica. Kasaysayan ito ng pagbabalik sa Jerusalem ng isang grupo ng mga Judio na dinalang-bihag sa Babilonia, at ng panunumbalik ng pamumuhay at pagsamba sa Jerusalem. Inilalahad ang mga pangyayaring ito sa mga sumusunod na yugto:
(1) Sa utos ni Ciro na Emperador ng Persia, bumalik mula sa Babilonia ang unang pangkat ng mga ipinatapong Judio.
(2) Muling itinayo at inihandog kay Yahweh ang Templo, at ang pagsamba sa Diyos ay muling isinagawa sa Jerusalem.
(3) Pagkalipas ng ilang taon, may isa na namang pangkat ng mga Judio na bumalik sa Jerusalem sa pangunguna ni Ezra, isang dalubhasa sa Kautusan ng Diyos, na tumulong sa mga tao upang muling maisaayos ang kanilang buhay panrelihiyon at panlipunan sa layuning mapangalagaan ang espirituwal na pamana ng Israel.

Nilalaman
Ang unang pagbalik buhat sa pagkabihag (1:1-2:70)
Muling itinayo ang Templo (3:1-6:22)
Bumalik si Ezra kasama ng mga iba pang itinapon (7:1-10:44)

Show More

Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/

Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music

#tagalogbible
#bible
#ezra
#bookofezra
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press