GOD THE FARMER
Diocese of Kalookan
GOD THE FARMER
Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon,
16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34
Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi.
Simulan natin sa una. Ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Ito rin naman ang binigay na paliwanag sa naunang talinghaga dito rin sa chapter 4 ni San Markos tungkol sa iba’t ibang klaseng lupa na binagsakan daw ng mga binhing inihasik ng isang magsasaka. Na katulad din daw ng iba’t-ibang klaseng tagapakinig ng Salita ng Diyos.
Binhi, lupa, paghahasik, pareho pa rin ang mga detalye ng kasunod na dalawang talinghaga na binasa naman natin ngayon, pero iba ang ipinupunto. Sa tingin ko para sa amin ang kuwentong ito, lalo na sa mga tagapangaral ng Salita ng Diyos. Na sa huling suma, ang tunay na magsasaka ay ang Panginoon. Nakikitrabaho lang kami. Ang tunay na magsasaka na nagpapalaki, nagpapatubo at nagpapabunga sa binhi ng salita ay hindi naman kami. Sabi nga ng talinghaga, matapos na maghasik ng binhi ang tagahasik, pwede na siyang matulog at maghintay.
Hindi naman kami kundi siya—ang Diyos mismo—ang nagtatayo ng kanyang kaharian o nag-aalaga sa pananim. Siya talaga ang magsasaka. May papel nga kami pero hindi rin pala kami dapat masyadong maging mapapel na para bang depende na ang lahat sa amin. Na ang tahimik at kusang pagtubo ng mga binhi at unti-unting pag-usbong at paglago nito ay hindi na sa amin nakasalalay. May nangyayaring proseso na lampas sa imahinasyon nating lahat. Ang trabaho namin bilang mangangaral, ay ang maghasik at umalalay.
Sabi ni San Pablo sa ating ikalawang pagbasa, “Ang mga lakad natin sa buhay ay dapat gabayan, hindi lang ng paningin kundi ng pananampalataya.” Kahit malinaw ang ating paningin, hindi lahat ay nakikita natin. Ang ibang mga bagay na magkakaroon ng kinalaman sa pagtubo at pagbunga ng naitanim, o sa











