GULONG NG PALAD


GULONG NG PALAD
16 Pebrero 2025, Pang-anim na Linggo ng Karaniwang Panahon,
ucas 6:17, 20-26

Isa sa mga naunang telenobela series na ipinalabas sa telebisyon sa Pilipinas ay pinamagatang “Gulong ng Palad,” na sa Ingles ay “Wheel of Fortune.” Noong panahong iyon, mga bata pa lang sina Janice de Belen at Romnick Sarmenta. Sumikat ang palabas na iyon sa telebisyon dahil puno ng mga eksenang malakas ang dating sa ating mga Pilipino: mga eksena tungkol sa pagbabaligtad ng sitwasyon ng mga dating inaapi na aangat ang kabuhayan at mga dating mayayaman na babagsak at gagapang sa hirap. Binibitin ang manonood sa dulo ng bawat episode; kung kailan matindi na ang drama saka sinasara para aabangan ang susunod na kabanata. Araw-araw noon naririnig namin ang theme song na ganito ang sinasabi:
“Kung minsan ang takbo ng buhay mo
Pagdurusa nito’y walang hanggan
Huwag kang manimdim
Ang buhay ay gulong ng palad
Ang kandungan, ang kapalaran
Kung minsan ay nasa ilalim,
Minsan ay nasa ibabaw…”
Sa isang parish recollection, tinanong ko ang mga tao kung naniniwala ba sila sa sinasabi ng kanta na gulong daw ng palad, ang buhay ay gulong ng palad. Paikot-ikot lang: minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. Nagulat ako nang halos sabay-sabay silang sumagot ng oo. At parang sila naman ang nagulat nang tanungin ako ng isa sa kanila: “E kayo, Bishop?” at ang sagot ko ay, “Syempre, hindi. Hindi naman naaayon iyan sa pananampalatayang Kristiyano. Masyadong fatalistic ang dating. Kung sa kapalaran lang nakasalalay ang lahat, para namang walang Diyos. Parang automatic na lang lahat: paikot-ikot lang ang gulong, minsan nasa taas, minsan nasa ibaba. Magtiis ka lang at maghintay pag nasa ibaba ka. Iikot din ang gulong.”
Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating intindihing mabuti ang gustong sabihin ng Panginoon sa narinig natin na kakaibang version ni San Lukas ng Beatitudes (o Mapapalad). Nakay San Mateo din ito sa Mt 5, at doon mayroong eight beatitudes, walong pangungusap tungkol sa mapapalad:

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press