Hallelujah; Diyos ng Tagumpay | DFC Music | DFC 46th Foundation Day
New Songs (DFC Music)
Composed by: Joseph Samuel Ybañez
HALLELUJAH (lyrics)
1. Ang ating Diyos ay kahanga-hanga
Sa tinig Niya lahat ng bagay ay nalikha
Mga bituin sa langit Siya'y itinataas
Kasabay ng pagsigaw natin ng papuri
Show More
Koro:
Hallelujah! Sa Diyos na kahanga-hanga
Hallelujah! Sa Manunubos at Tagapagligtas
Hallelujah! Sa umibig satin ng tapat
Sabay-sabay isigaw, Hallelujah!
2. Ang ating Diyos, Siya'y ating purihin
Dakilang mga gawa Niya ay sasaysayin
Lahat tayo'y magpupuri't itataas ating tinig
Sambahin ang Ngalan Niya ng may pag-ibig
DIYOS NG TAGUMPAY (lyrics)
Papuri, pasasalamat
Luwalhati sa dakilang umibig satin ng tunay
Ang Diyos, Panginoon at Hari ng buhay
Halina, Siya ay purihin
Mag-alay nang nararapat na pagsambang tunay
Sa Diyos, itaas ang kamay sa tagumpay
Koro:
Kayo O Diyos ay tapat at hindi nagbabago
Ang ating Diyos ng tagumpay
Noon, ngayon at kaylan man
Hinding-hindi mapapantayan ang Inyong kapangyarihan
Higit Kayo sa lahat ng bagay
Ibabagsak ang mga kaaway..
Sa Diyos ang papuri, sa Diyos ang tagumpay











