HANAPBUHAY


HANAPBUHAY
Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon,
4 Agosto 2024, Juan 6:24-35

Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag sa trabaho ay dahil ang hinahanap ay pantustos o ikabubuhay ng mga mahal sa buhay. Ibig sabihin, hindi talaga pera kundi ikabubuhay ang hinahanap. Napaisip ako. Oo nga naman. Ang kinikita ay paraan lang. Hindi talaga iyon ang layunin. Aanhin ko ang pera kung kailangan kong mandaya, o pumatay, o mang-agrabyado ng kapwa para kitain ito?
Noong nakaraang Linggo binasa natin ang unang bahagi ng ulat ni San Juan tungkol sa pagpapakain ni Hesus ng limang libo katao mula sa limang tinapay at dalawang isda, ang ang sobrang tira-tira na natipon nila pagkatapos ay labing-dalawang kaing. Layunin niya na bigyan sila ng palatandaan na magpapaunawa sa kanila tungkol sa misteryo ng buhay sa lupa bilang simula ng ng langit. Pero ang nakita nila ay iba—hindi tanda kundi milagro, magic, instant na solusyon sa gutom, kaya ibig daw siyang gawing hari. Gagawin yata siyang pabrika ng libreng tinapay at isda. Sa dulo ng kuwentong iyon, nagtago daw si Hesus dahil ayaw na siyang pakawalan ng mga tao.
Ang pagbasa natin ngayon ay karugtong ng kuwentong iyon. Hindi daw sumuko ang mga tao sa paghahanap kay Hesus hanggang sa matagpuan siya. Nang harapin niya sila, ganito ang sinabi niya, “Alam ko na hinahanap ninyo ako hindi dahil nakakita kayo ng tanda kundi dahil nakakain kayo at nabusog. Sana hanapin ninyo ang pagkaing magbibigay sa inyo, hindi lang ng panandaliang kabusugan kundi ng buhay na walang hanggan.”
Matalinghaga ang pangungusap ng Panginoon. Pero hindi kailangan ng mahabang paliwanag para maunawaan ito. Sa mga tao dito sa mundo na totoong naghahangad na magpakatao talagang hindi lang naman pagkakakitaan ng salapi ang importante kundi buhay na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press