HILAB NG PANGANGANAK


HILAB NG PANGANGANAK
Homiliya para sa Huwebes ng Karaniwang Panahon, 24 Nobyembre 2022, Lk 21:20-28
Marami na akong narinig na kuwentong nanay tungkol sa karanasan ng panganganak. Magandang marinig ang ganitong mga kuwento ng mga lalaki para mamulat kami tungkol sa pinagdaraanan ng mga babaeng nagbubuntis, lalo na kapag nakakaramdam na sila ng paghilab ng tiyan at malapit na silang manganak.
Minsan, noong buhay pa ang nanay ko, isa sa mga kapatid kong babae ang nagtanong sa nanay ko tungkol sa panganganak. Ipinagbubuntis kasi noon ng kapatid kong babae ang unang anak niya. Unti-unti yatang tumitindi ang kaba niya dahil araw-araw daw nakikita niyang palaki nang palaki ang batang dinadala niya sa tiyan niya. Siguro, dahil alam niya na labing-tatlo kaming magkakapatid na normal na isinilang ng nanay namin sa bahay sa tulong lang ng komadrona, tinanong niya ang nanay ko: “Ima, kakayanin ko pa kayang ilabas ang batang ito, e pagkalaki-laki na.” Sagot naman ni nanay, “Ay, alisin mo nga ang nerbyos mong iyan. Tandaan mo, kung marunong pumasok iyan, marunong ding lumabas iyan.”
Hindi nila alam nakikinig ako sa usapan nila. At ang pumasok sa imahinasyon ko ay hindi ang panig ng nanay na nanganganak kundi ang panig ng batang lumalabas. Dahil siguro alam kong bilang lalaki hindi ko naman talaga mararanasan ang pinag-uusapan nilang panganganak, nilagay ko ang sarili ko sa lugar ng batang isinisilang. Siguradong kung natakot ang nanay, di hamak na mas natakot ang sanggol dahil hindi naman niya naiintidihan ang nangyayari, at paglabas niya, hindi pa niya kayang ikuwento ang pinagdaanan niya. Natanong na ba ninyo sa sarili, kung ano kaya ang naramdaman ng sanggol noong ipanganak siya ng nanay niya?
Sabi ni Freddie Aguilar sa kanyang kantang ANAK, “Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng magulang mo, at ang kamay nila ang iyong ilaw. At ang nanay at tatay mo di malaman ang gagawin, minamasdan pati pagtulog mo.”
Lalaki nga kasi ang nagsulat ng kanta kaya perspective din ng

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press