IBIG KO PO SANANG MAKAKITA
IBIG KO PO SANANG MAKAKITA
Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, ika-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52
Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad.
Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa wikang Kapampangan ang makinig ay MAKIRAMDAM. Siguro, ibig sabihin, para sa amin, hindi sapat ang makinig sa pamamagitan lang ng tainga. Kailangang MAKIRAMDAM, para marinig pati iyong hindi sinasabi na ibig ipahayag ng tao. Kaya nga mayroon tayong salitang PAKIRAMDAMAN.
Nangyari ang engkwentro sa pagitan ni Bartimeo at ng Panginoong Hesukristo dahil pareho silang mahusay sa PAKIRAMDAMAN. Tingnan muna natin si Bartimeo, ang bulag na pulubi.
Dati rati, ang tawag sa mga taong may kapansanan ay HANDICAPPED O DISABLED. Ngayon, ang tawag sa kanila sa English ay PWD—“persons with disability” (mga taong may kapansanan). Magandang ipaalala sa atin na hindi dapat kalimutan na mga tao sila. Mayroon man silang kapansanan pero meron din naman silang ibang mga kakayahan o ABILIDAD. Hindi tama na i-reduce ang pagkatao nila sa kapansanan nila: sa pagiging bulag, pipi, bingi, etc. Hindi ba totoo na pag may kapansanan ang tao, mas lalong tumitindi ang iba niyang mga pandama?
Sa kuwento ng eanghelyo, nag-ingay daw si Bartimeo nang malaman niyang dumadaan si Hesus. Paano niya nalaman? Kahit di niya nakikita, naririnig niya. Pilit daw siyang pinatatahimik ng mga tao, pero mas lalo siyang nag-ingay para makatawag pansin, at nagtagumpay siya. Alam niyang tulungan ang sarili niya. Maabilidad din siya. At nang ipatawag siya, mabilis siyang nakalapit kay Hesus nang walang tumutulong sa kanya. Paano niya nagawa iyon, gayong bulag siya? Palagay ko, bukod sa pakikinig, ginamit din niya ang pang-amoy at pangangapa.
Kapag pursigido talaga ang tao sa ninanais niyang gawin, walang sagabal o hadlang para sa kanya. Magpupumilit siya na makamit ang ninanais niya. Kaya











