Ikaw Ang Magtagumpay | DFC Music | 2nd Album
Track #4 : Inner Prayer Album
Composed and Sang by: Sir Paul Mazaredo
Recorded at Pinknoise Studio
©️ 2003 Philippines Copyright
All rights reserved.
Show More
"Ikaw ang Magtagumpay" (Lyrics)
Nang ako'y tawagin Mo na maglingkod sa Iyo
Alinlangan at takot ang nadama
Paano nga bang kakayanin ng mahinang tulad ko
Ang mabigat na pasaning bigay Mo
Ikaw ay nangako na lagi M akong sasamahan
Talino, kapangyarihan Iyong ibibigay
Ako'y nangako rin na susunod
Mga pangarap ay tatalikuran
Ang dating buhay 'di na muli babalikan
Panginoon, Panginoon
Hawakan Mo aking mga kamay
At sa harap ng kaaway dalangin kong
Ikaw ang magtagumpay
Panginoon, Panginoon
Aking nadarama digmaan sa puso
Panganib ay nakaabang
At ngayon nakapaligid aking mga kahinaan
Panginoon, Panginoon
Pangako Mo'y hinding-hindi ako iiwanan
Kaya dinggin ang dalangin ko na sa aking puso
Ikaw lagi ang magtagumpay
..Dalangin sa 'king puso
Ikaw lagi ang magtagumpay.











