INAMPON
Diocese of Kalookan
INAMPON
Homiliya para sa Holy Trinity Sunday,
26 Mayo 2024, Mat 28:16-20
Sa araw na ito ng Kapistahan ng Banal na Santatlo, tutukan natin ng pagninilay, hindi ang misteryo ng Santatlo, kundi ang epekto nito sa atin, ayon kay San Pablo: ANG DIWA NG PAGIGING AMPON NG DIYOS AT TAGAPAGMANA NG KANYANG KAHARIAN.
Pag-ampon ang tawag natin sa ligal na proseso ng pagtanggap sa isang hindi-kadugo o kapamilya bilang miyembro ng pamilya. Ang inampon ay hindi lang binibigyan ng karapatan na gamitin ang apelyido ng pamilya bilang kaanak. Tinuturing din siyang tagapagmana sa mga ari-arian ng pamilya. Pero sa ating narinig na pangalawang pagbasa mula sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma, hindi isang ligal na proseso ng pag-ampon ang tinutukoy niya, kundi diwa o espiritung nagpapatunay daw na tayo ay mga anak ng Diyos. Ano ang ibig niyang sabihin?
Totoo nga naman, kahit kumpleto ang mga papeles, hindi ka pa rin totoong adopted kung hindi ka talaga natutuhang mahalin o ituring bilang tunay na anak o kapamilya, na pinalaki bilang hindi-na-iba. Hindi lang ito totoo sa panig ng umaampon kundi pati na rin sa panig ng inampon.
Ang pagiging Kristiyano ay tungkol sa diwa o espiritung ginigising o pinupukaw sa atin bilang mga anak ng Diyos, bilang bahagi ng pamilya ng Diyos na tinatawag nating SANTATLO. Ang epekto ng ating pagiging inampon ay dalawa: tayo’y nagiging tagapagmana ng Diyos, kasamang tagapagmana ni Hesukristo.
Simulan natin sa una: “Tagapagmana ng Diyos”, ibig sabihin, ng kanyang kaharian. Tayong mga inampon ay tumatanggap ng biyaya ng buhay na marangal, may mataas na dignidad, hindi lang bilang mga nilkha sa hugis at wangis ng Maylikha, kundi bilang mga miyembro ng pamilya ng Diyos. Kahit totoong ang sangkatauhan ay pumalpak o nabigo, hindi pa tapos ang kuwento. Nagpapatuloy ito sa kuwento ng Bagong Tipan, ang kuwento ng kaligtasan.
Na kahit tayo’y bumagsak, tayo’y tinubos. Iyon ang konkretong epekto ng diwa ng pag-ampon. Na tayo ma’y busabos, minahal pa rin tayo. Di man











