INSULTO O MILAGRO | Homily for 20th Sunday in Ordinary Time (A)


Sa “paglabas” ni Hesus patungo roon, tinatawid niya ang namamagitan sa mga Israelita at mga Hentil. Pumunta Siya roon upang ipakita na may lugar sa kanyang puso ang mga itinuturing na taga-labas. Hindi ka ba nagtataka kung bakit hinayaan lang ni Hesus na magsalita sa kanya ang Cananea kahit sinabi ng kanyang mga alagad na pagbigyan na lang ito para umalis? Dahil mula sa pag-uusap na iyon, ipapaliwanag ni Hesus ang layunin ng kanyang pagparito. Una siyang isinugo para sa mga anak, ang mga Israelita pero kalaunan, inakay na rin ni Hesus ang mga itinuturing na tuta katulad ng Cananea sa ebanghelyong ito. Katuparan ito sa propesiya ni Isaias sa unang pagbasa ngayon, “Dadalhin ko kayo sa Sion, sa aking banal na bundok. Ipadarama ko sa inyo ang kagalakan sa aking Templo. Tatanggapin ko ang inyong mga handog, at ang Templo ko’y tatawaging bahay-dalanginan ng lahat ng bansa.” Ang templo ay kung saan nakikipagtagpo ang mga tao sa Diyos. Pero si Hesus, ang templo ng bagong tipan, siya pang nakipagtagpo doon sa lupaing malayo sa templo ng mga Israelita. Ang kanilang pagtatagpo ay pagpapahayag na mayroon na ngang puwang ang lahat sa templo ng Puso ni Hesus.

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-20 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) | 20 Agosto 2023
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoian Church

Show More

Isaias 65, 1. 6-7
Salmo 66, 2-3. 5. 6 at 8
Nawa’y magpuri sa iyo
ang lahat ng mga tao.
Roma 11, 13-15. 29-32
Mateo 15, 21-28
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#20thSundayOrdinaryTime
#SundayHomily

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press