Joel Audio Bible | Tagalog Audio Bible
Kakaunti ang alam natin tungkol kay Propeta Joel at hindi malinaw kung kailan siya nabuhay. Ngunit marahil nasulat ang aklat na ito noong ika-lima at ikaapat na siglo B.C., sa panahon ng pamamayani ng Imperyo ng Persia. Inilalarawan ni Joel ang nakahihindik na pananalakay ng mga balang at malubhang tagtuyot na nangyari sa Palestina. Sa mga pangyayaring ito'y nakikita niya ang palatandaan ng pagdating ng Araw ni Yahweh- ang panahon ng pagpaparusa niya sa mga sumasalungat sa kanyang matuwid na kalooban. Ipababatid ng propeta ang panawagan ni Yahweh sa mga tao upang magsisi at ang kanyang pangakong muling ibabalik at pagpapalain ang kanyang bayan. Kapansin-pansin ang pangako ng Diyos na ipadadala niya ang kanyang Espiritu sa lahat ng tao- lalaki at babae, bata at matanda.
NILALAMAN
Ang pananalakay ng mga balang (1:1-2:17)
Ang pangakong muling ibabalik (2:18-27)
Ang araw ni Yahweh (2:28-3:21)
Show More
Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/
Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music
#tagalogbible
#bible
#joel
#thebookofjoel
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos
#bible
#tagalog
#filipino











