JONAH Audio Bible | Tagalog Audio Bible
Tagalog Prayers
Ang Aklat ng Jonas ay naiiba sa mga aklat ng mga propeta sa Biblia sapagkat ito'y kuwento ng pakikipagsapalaran ng isang propetang nagtangkang sumuway sa utos ng Diyos. Pinapapunta siya ng Diyos sa Nineve, ang kapitolyo ng malawak na imperyo ng Asiria na mahigpit na kaaway ng Israel. Subalit ayaw ni Jonas sapagkat naniniwala siyang hindi gagawin ng Diyos ang antang pagwasak sa lunsod na iyon. Gayunpaman, pagkaraan ng sunod-sunod na pangyayari, sumunod siya bagama't mabigat ang loob. Sa bandang huli ay nagtampo siya nang hindi maganap ang kanyang ipinahayag na pagwasak na naturang lunsod.
Inilalarawan ng aklat na ito ang lubos na paghahari ng Diyos sa kanyang mga nilikha. Ngunit higit sa lahat, inilalarawan dito ang Diyos bilang Diyos ng pag-ibig at kahabagan na handang magpatawad at magligtas kahit sa mga kaaway ng kanyang bayan, sa halip na parusahan at puksain sila.
Nilalaman
Ang pagkatawag kay Jonas at ang pagsuway niya (1:1-17)
Ang pagsisisi at pagkaligtas ni Jonas (2:1-10)
Ang pahayag ni Jonas laban sa mga taga-Nineve (3:1-10)
Ang pagkahabag ng Diyos sa Nineve (4:1-11)
Show More
Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/
Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music
#tagalogbible
#bible
#jonah
#thebookofjonah
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos











