Kapistahan ng Panginoong Hesus,Ang Banal na Sanggol


ANG LANDAS NG KALIITAN
Homiliya para sa Pistang Santo Niño, Mt 18:1-5,10
Niregalo ni Magellan ang orihinal na Santo Niño de Cebu sa pamilya ni Rajah Humabon noong 1521. Tinambangan siya at pinatay ng mga kawal ni Lapu-lapu sa Mactan. Muling natuklasan ang imahen ng mga sundalo ni Legazpi noong 1565. Pumatay daw siya ng mahigit sa limandaang mamamayan ng Sugbu (Cebu) at nanunog ng mahigit limang libong kabahayan dahil ayaw daw magpasakop sa kanya ng mga katutubo. Gusto ba ito ng Santo Niño?!!
Isang sundalo daw ang nakatuklas ng imahen matapos ang paglusob. Natagpuan daw ang isang baul sa isa sa mga bahay na sinunog, naroon sa loob ang imahen ng Santo Niño! Nang makita raw ito ni Legazpi naghahagulgol daw siya. Tinuring daw niyang isang palatandaan ito. Palatandaan ng ano?
Iba ang interpretasyon ko sa hagulgol ni Legazpi. Palagay ko ang mensaheng nakuha niya sa maliit na imahen ng Santo Niño ay: “Hoy, Señor Legazpi, hindi porke’t malaki ka ay may karapatan kang apihin ang mga maliliit. Kung gusto mong magtagumpay, huwag kang maging marahas. Makipag-usap ka, magpakumbaba ka, huwag magmamalaki.” (Siyempre, interpretasyon ko lang naman iyon. Iba ang interpretasyon ng kanyang mga chroniclers.)
Kapag piyesta ng Santo Niño, binabasbasan natin ang mga bata. Ibig bang sabihin nito na ang Santo Niño ay para lang sa mga bata? Oo. Pero higit sa lahat, ito’y para sa matatanda rin, lalo na iyong mga nawawalan na ng pagkabata. Ito’y tungkol sa ating lahat, dahil lahat tayo ay “tumatanda".
Ang katawan ng tao kapag nagkakaedad ay unti-unting nanghihina sa ayaw natin at sa gusto, nagkakasakit, hanggang sa mamatay. Kapag sumabay ang kaluluwa sa pagtanda ng katawan, sasabay din ito sa pagkamatay ng katawan. Puwede bang hindi? Oo naman; ito nga ang isa sa mga misteryong ating pinanghahawakan bilang mga Kristiyano. Tayong naniniwala na nabubuhay tayo sa katawan ng muling nabuhay na Kristo na hindi tumatanda.
Ang landas ng pagiging alagad ni Kristo ay landas ng ispiritwal na pagkabata;

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press