KATAPUSAN
Diocese of Kalookan
KATAPUSAN
Homiliya Para sa Unang Linggo ng Adbiyento, 27 Nob 2022, Mateo 24:37-44
“Manatiling gising. Hindi ninyo alam ang araw ng pagdating ng Panginoon.”
Ang Gospel reading ngayon ay tungkol sa mga bagay na hindi natin alam, kung ano ang darating, kung ano ang mangyayari bukas. Ang alam lang natin ay ang mga bagay sa nakaraan, mga biglaang pangyayari na marahil ay hindi natin napaghandaan —mga biglaang kalamidad, katulad ng lindol, pagputok ng bulkan, biglaang pagbaha, o mga sunog na hindi inaasahan. At kung gaanong perwisyo ang pwedeng idulot ng mga ganitong pangyayari, pati na ang pagkawala ng kabuhayan, biglaang pagkamatay ng mga mahal sa buhay, pagkasira at pagkawasak ng lahat ng naipundar.
Maraming tumulong sa mga nasunugan sa Navotas, pero isa sa mga tulong na iminungkahi ko sa parish priest ay post-trauma counselling. Pwede kasing mangyari na napakatindi ng traumang naranasan ng mga biktima, mananatili ang kanilang pagkabiktima, mahihirapang makabawi. Sabi ng matatanda, “Masira na ang lahat sa buhay mo, huwag lang ang loob mo.” Kapag nasiraan nga naman ng loob ang tao, parang hanggang doon na lang siya, parang wala nang bukas.
Nakakatulong ang pagbabalik-tanaw at ang mga aral na pwedeng matutunan sa mga nangyari na sa nakaraan. Natutulungan tayo sa kasalukuyan na maging handa para sa mga bagay na hindi natin alam na puwedeng mangyari sa hinaharap. Kaya nga mayroong mga disaster-preparedness drills—hindi naman para takutin tayo kundi para alam na natin kung sakaling mangyaring muli kung ano ang gagawin, dahil hindi naman talaga tayo sigurado sa mga bagay na pwedeng mangyari sa hinaharap.
“Pagdating” ang literal na kahulugan ng salitang ADBIYENTO, mula sa Latin ADVENTUS. Ito ang apat na Linggo ng ispiritwal na preparasyon ng mga Kristiyano para sa pagdating ng Kapaskuhan. Kulay ube ang Adbiyento, ang kulay ng penitensya sa ating mga Kristiyano. Kakulay ito ng Kuwaresma na paghahanda naman para sa Pagkabuhay. Paalala ng simbahan na kung ibig natin maranasan











