KILALA BANG TALAGA? | Homily for 21st Sunday in Ordinary Time (A)


Walang makapagsasabing ganap na niyang Kilala si Hesus dahil patuloy siyang nagpapakilala at patuloy din naman natin siyang nakikilala sa iba’t ibang pagkakataon. Kaya nga, “mahigpit niyang tinagubilinan ang kanyang mga alagad na huwag sabihin kaninuman na siya ang Kristo.” Dahil sa pagkakataong iyon, bagaman tama ang pahayag ni Pedro, hindi pa rin niya nauunawaan nang buo ang kahulugan ng “Kristo” o Mesiyas para kay Hesus hanggang sa masaksihan ng mga alagad ang Panginoong Hesus na mamatay at muling mabuhay. Kaya nga sa bawat pagkakilala natin kay Hesus, huwag kang makuntento na iyon lang ‘yun. Marami pang maaaring mahayag sa iyo lalo na’t seseryosohin mo ang buhay panalangin at maglalaan ka pa ng karagdagang oras para matuto sa banal na kasulatan at sa mga turo ng simbahan. Ngayon, kung tatanungin ka ni Hesus: “Sino Ako para sa iyo?” Gaano mo nga ba siya kakilala? Kilala mo bang talaga? O may alam ka lang sa kanya?

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) | 27 Agosto 2023
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoain Church

Show More

Isaias 22, 19-23
Salmo 137, 1-2a. 2bk-3. 6 at 8bk
Pag-ibig mo’y di kukupas,
gawain mo’y magaganap.
Roma 11, 33-36
Mateo 16, 13-20
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#21stSundayOrdinaryTime
#SundayHomily

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press