KINIKITA AT NAKIKITA


KINIKITA AT NAKIKITA
Homiliya para sa Linggo ng Laetare,
Ikaapat na Linggo ng Kuwaresma, Juan 9:1-41

“Laetare” ang tawag nating mga Katoliko sa ikaapat na Linggo ng Kuwaresma. Kung merong Gaudete sa Pangatlong Linggo ng Adbiyento, meron ding Laetare sa Pang-apat na Linggo ng Kuwaresma. Magkaibang bokabularyo, pero pareho din ang ibig sabihin: MAGALAK! Kaya ang madilim na kulay ube ay liliwanag at magiging kulay rosas. Para bang preview ito ng liwanag na hatid ng Paskong Pagkabuhay.
Kaya siguro natataon sa araw na ito ng Laetare ang pagbasa tungkol sa pagpapagaling sa taong bulag mula pa sa pagkapanganak. Siya ang larawan natin ng mabuting balita na hatid ni HesuKristo sa atin—isang taong nakasilay ng liwanag sa kauna-unahang pagkakataon.
Ang bulag na pulubi sa kuweno ay hindi katulad ng ibang mga bulag na pinagaling ni Hesus sa mga ebanghelyo. Karamihan sa kanila ay dating malinaw ang mata ngunit lumabo at nabulag pagtanda dahil sa sakit. Itong taong ito, hindi pa nakaranas na makakita ni minsan sa buhay niya. Kaya nga siya lumaking nagpapalimos . Dalawang bagay ang bibigyan natin ng pansin sa kuwento: una, merong dalawang yugto ang kuwento ng paggaling ng bulag, at pangalawa, pinalayas siya mula sa pinagpapalimusan niya.
Simulan natin sa una, nakita muna niya ang paligid niya for the first time. Pagkatapos, nakita niya si Hesus at sinamba niya. Dalawang bagay ito: ang makakita sa pisikal na mata at makakita sa mata ng pananampalataya.
Kay San Markos, may dalawang kuwento ng pagpapagaling na medyo hawig sa kuwentong narinig natin kay San Juan. Una, iyung bulag na taga-Bethsaida sa chapter 8 ni San Markos, vv22-26. Dalawang yugto rin ang pagpapagaling sa kanya: sa una, nakasilay na siya ng liwanag pero malabo pa ang paningin niya. Kaya inulit ni Hesus ang proseso at pagkatapos, luminaw na. Sa chapter 10 naman ni San Markos, vv.46-52, naroon ang kuwento ng pulubing si Bartimeo: may dalawang yugto rin. Sa una, gamit ang pandama kahit walang nakikita, lumapit si

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press