KUNSINTIDOR BA ANG DIYOS | Homily for 16th Sunday in Ordinary Time (A)
Kung paanong yumayabong sa puso ng tao kapwa mabuti at masamang binhi, gayundin sa mundong ginagalawan natin. Kapwa umiiral ang mga taong may mabuti at masamang kalooban. Palagi kong sinasabi na walang masamang tao. Mayroon lang mga taong nag-iisip at gumagawa ng masama. Maaaring hindi nahahayag ang kabutihang mayroon sila pero hindi ibig sabihing wala iyon sa puso nila. Kaya nga hindi nais ni Hesus na isantabi lamang ang mga makasalanan at itinataboy ng lipunan. Mayroon silang kabutihan na hindi lang napahahalagahan o hindi nabibigyan ng pagkakataong yumabong. Kaya naparito si Hesus upang ipaalalang binibigyan sila ng pagkakataon na palaguin ang mabuting binhi sa kanilang puso, tulad ng trigo na ang bunga ay nagiging pagkain para sa ikabubuhay ng iba. Hindi nga ba’t lahat naman ng piniling alagad ni Hesus ay may kanya kanya ring masasamang binhi? Subalit kalaunan, hindi ito ang nanaig kundi ang kabutihan matapos na unti-unting alisin ang masamang damo sa kanilang kalooban. Kaya ang panawagan din ni Hesus sa mga nakikinig sa kanya ay magkaroon ng gayong pasesnya at kahinahunan sa iba. Maaaring kasamaan ang nakikita natin sa kanila pero hindi ibig sabihing wala nang mabuti sa kanila. Kaya imbes na sila’y kondenahin at patayin, tapat silang pagtiyagaang akayin at ang kabutihan sa kanilang puso’y palaguin. Kung paanong ang lebadura’y napaaalsa ang maliit na masa, gayundin ang kabutihan na naitanim na ng Diyos sa puso ng bawat isa. At kung tayo man ay umiiral sa mundo ng masasamang damo, hayaan lang nating lumago tayo bilang mga trigo. Sa huli, ang Diyos naman ang hahatol kung sino ba ang dapat itabi sa kamalig ng langit at kung sino ang dapat sunugin sa apoy ng impyerno sapagkat mahahayag naman sa kanya kung sino’ng may bunga at kung sino’ng wala.
Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) | 23 Hulyo 2023
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoian Church
Show More
Karunungan 12, 13. 16-19
Salmo 85, 5-6. 9-10. 15-16a
Poon, ikaw ay mabuti
sa











