LAHAT MAY PUWANG | Homily for Fourth Sunday of Easter (A)


LAHAT MAY PUWANG

Bilang Mabuting Pastol, si Hesus ang pinto, hindi tayo. Alam nating ang hindi lamang niya papapasukin ay ang kaaway ng Diyos. Kaya hindi tayo dapat maging hadlang upang maranasan ninuman ang maging kabilang sa kawan ni Hesus. We should never deprive anyone the experience of belongingness in the Church. Kapag ba nagsisimba ka, wala kang iniiwasan o sini-sino sa pamamagitan ng iyong pagtingin? Ano ang trato mo sa mga hindi nakabihis nang maayos o parang wala sa hustong pag-iisip? Nandidiri ka ba? Itinataboy mo ba sila? Paano kung may tatabi sa iyong naka-cross dress? Titingnan mo ba mula ulo hanggang paa? Tandaan mo: hindi ikaw ang pinto. Kaya huwag ka sanang maging hadlang sa mga nais papasukin ni Hesus. Inaanyayahan tayo ngayon na magkaroon din ng puso ng mabuting pastol, tinatanggap at niyayakap muna ang mga tupa bago sila pinapastol upang turuan at ituwid kung kinakailangan. Kaya bagaman alam natin ang malinaw na turo ng Simbahan tungkol sa kasarian at iba pang isyung may kinalaman sa moralidad, hindi makatutulong kung ipaparamdam nating wala silang puwang sa ating pamayanan. Bagaman mga tupa tayo sa kawan ng Panginoon, maging pastol din tayo sa isa’t isa. Akayin natin ang kapwa patungo kay Hesus at sa pinakamainam na pastulan at batis, ang buhay na walang hanggan.

Show More

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-Apat na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (A) | 30 Abril 2023
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulacan

Mga Gawa 2, 14a. 36-41
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6
Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.
1 Pedro 2, 20b-25
Juan 10, 1-10
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify |

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press