LANDAS NG BUHAY AT PAGKABUHAY


LANDAS NG BUHAY AT PAGKABUHAY
Linggo ng Palaspas, 24 Marso 2024,
And Pasyon ayon kay San Markos 14-15

Ewan kung napansin na ninyo na karamihan sa ating mga imahen o larawan ng mga santong martir ay may hawak na palaspas—katulad ng ating dalawang martir na Pilipino, na sina San Pedro Calungsod at San Lorenzo Ruiz. Ganyan din sina Santa Maria Goretti at Santa Lucia.
Ang palaspas ay importanteng simbolo para sa pananampalatayang Kristiyano; hindi ito dekorasyon lamang. Ito’y isang statement; isang pangungusap. May ipinahahayag, may ibig sabihin ang tao kapag humahawak ng simbolong iyan. Ibig sabihin, handa siyang magdusa at mamatay. Simbolo iyan ng paninindigan ng isang martir. Ang literal na kahulugan ng “martir” na galing sa salitang Griyegong “marturia” ay PATOTOO—sa Ingles, WITNESSING. Katulad ng ginagawa ng mga witness kapag pinasusumpa sa korte—“Ikaw ba’y nangangakong magsabi ng katotohanan, buong katotohanan at pawang katotohanan lamang?“ Ang witness ay sasagot na nakataas ang kanang palad at magsasabing OPO. Ang nakataas na palaspas ay higit pa sa nakataas na palad; hindi lang “opo, nangangako po ako,“ ang ibig sabihin nito, kundi “Opo, kahit ipagdusa ko pa o ikamatay ito.”
Ang palaspas ay simbolo ng taong handang magpatotoo nang buong lakas ng loob. Magpatotoo sa ano? Magpatotoo na ang daan ng krus at kamatayan ay daan ng buhay at muling pagkabuhay. Na hindi tayo hahantong sa pagkabuhay kasama si Kristo kung hindi tayo handang humarap sa pagdurusa at kamatayan na kasama din niya. VIA CRUCIS ang tawag sa Latin para sa LANDAS NG KRUS. Hindi kaya dapat VIA RESURRECTIONIS? Hindi naman krus ang destinasyon kundi pagkabuhay.
Huwag nating i-romanticize ang pagdurusa. Sino ba ang gustong masaktan o mamatay? “Masochist” ang tawag sa mga nasasarapan pag sila’y sinasaktan—at “sadista” naman ang tawag sa nasasarapan pag sila’y nanakit. Sakit ang mga iyan; mga palatandaan ng mental illness. Lahat ng normal na tao siyempre mas gusto ang mabuhay na maginhawa at walang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press