levelling


“LEVELING”
Homiliya para sa ika-22 Linggo ng Karaniwang Panahon,
3 Setyembre 2023, Mat 16:21-27

Medyo malakas ang dating ng himutok ni prophet Jeremiah sa ating first reading ngayon. Nakakabigla. Sabi ba naman niya, “Niloko mo ako, Panginoon. At nagpaloko naman ako sa iyo.” Wow. Kaya nyo bang magsalita ng ganoon sa Diyos? Sa mga Kristiyanong walang alam sabihin sa panalangin kundi “Praise the Lord!”, siguradong nakakaiskandalo ito.
Sino nga ba naman tayo para magreklamo nang ganito sa Diyos? Ang takot lang natin na baka tamaan tayo ng kidlat. Pero sa maniwala kayo’t hindi,halos trenta porsiyento sa mga Salmo sa Bibliya ay ganito ang tono—panaghoy. Iyung iba nga mas matindi pa ang dating kaysa sa sinabi ni Jeremiah.
Siguro may expectation si Jeremiah na kapag sumunod siya sa Diyos, kapag ginawa niya ang iniuutos sa kanya, lahat ng bagay sa buhay niya ay magiging maayos at payapa. E baligtad ang nangyari. Inulan siya ng mga pasakit at pagdurusa. Para bang nagising na lang siya isang araw at namulat na hindi pala tugma sa expectation niya ang ibubunga ng pagsunod niya. At para bang hindi na siya makaatras. NAPASUBO, kumbaga.
May tawag sa Ingles sa sitwasyong ganyan, lalo na kapag feeling mo magkaiba kayo ng expectations ng katrabaho mo. Na para bang hindi nagtatagpo ang mga pananaw ninyo. Kailangan ng LEVELING.
Ganito rin ang dating ni Pedro kay Hesus sa ating Gospel reading ngayon. Malapit na silang pumasok sa Jerusalem pero magkaiba pa rin pala sila ng intindi sa pinapasok nila. Pupunta daw siya sa Jerusalem para magdusa, mamatay at muling mabuhay. Kaya hinarap siya ni Pedro at sinaway. Siya tuloy ang nasaway. Naging okasyon ito para mag-leveling sila bago magpatuloy sa Jerusalem. Ang dating sa akin ng paliwanag ni Hesus kay Pedro ay parang malapit sa sinasabi ng kanta, “I beg your pardon, I never promised you a rose garden.”
Ito ang maganda kay Pedro; hindi niya ugali ang magkunwari. Prangka siya, walang kaplastikan. Malakas ang loob niya na ipahayag sa Panginoon

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press