LINGGWAHE NG DIYOS


LINGGWAHE NG DIYOS
Homiliya para sa Kapistahan ng Pentekostes, 28 Mayo 2023,
Juan 20,19-23

May kasunod na dalawa pang verses ang binasa natin sa first reading tungkol sa nangyari sa mga alagad sa Jerusalem noong araw ng Pentekostes, ayon sa kuwento ni San Lukas sa chapter 2 ng Acts of the Apostles. Sayang nga lang at sa ating unang pagbasa pinutol ang kuwento sa verse 11. Sa kasunod nito, sa verse 12, dinescribe ni San Lukas ang reaksyon ng mga dayuhan dahil narinig daw nila ang mga alagad na nagsasalita sa kani-kanilang linggwahe. Sabay daw na namangha sila at nagtataka. At sa kasunod pang linya, sa v. 13, ang sabi ni San Lukas mayroon daw iba na hindi pagkamangha kundi pagtuya ang naging reaksyon sa mga alagad. Sabi daw nila, “Lasing lang ang mga iyan!” o “nasobrahan lang ng alak.” Hindi daw Holy Spirit kundi spirit of the bottle o nasobrahan lang ng inom ng alcohol. Parang nagpapatawa ang manunulat.
Siguro kaya tinawag silang lasing ay dahil ang tao kapag nasobrahan nga naman ng alak o anumang alcoholic drinks ay nagsasabi-sabi. Pero kung babasahin nating maigi ang kuwento, hindi lang ang sinasabi kundi ang naririnig ng mga dayuhan sa sinasabi ng mga alagad na taga-Galilea ang tinutukoy ni San Lukas. Ang talagang tanong nila ay, “Bakit naiintindihan natin ang sinasabi nila gayung sariling linggwahe nila ang ginagamit nila?”
Sa komunikasyon, kasing-halaga ng pagsasalita ang PAKIKINIG. Ang linggwahe ay hindi lang tungkol sa pagbigkas ng mga salita. Tungkol din ito sa pagsusumikap na unawain ang sinasabi ng nagsasalita. Sa totoo lang, maraming beses, kahit parehong Tagalog na ang sinasabi ng nag-uusap, pwedeng hindi pa rin sila magkaintindihan, di ba? Kapag nagsara ng puso at isip ang tao sa kanyang kapwa-tao, kahit bukas ang mga tainga niya mistulang bingi na rin siya, parang walang naririnig kundi sariling opinyon, kuro-kuro o paunang hatol. Nakukulayan na agad ang paningin o nabibigyan ng ibang kahulugan ang sinasabi ng kausap, na malayo sa ibig sabihin. Kaya

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press