MAAGAP, MARUNONG


MAAGAP, MARUNONG
Homiliya para sa ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Nov 2023, Mat 25:1-13
Isa sa pinaka-importanteng simbolo sa binyag, bukod sa tubig ay ang ilaw. May parte sa ritwal ng binyag na sisindihan ng pari ang kandila mula sa Paschal candle at ibibigay sa bibinyagan o sa ninong kung musmos pa ang bibinyagan. Sasabihin niya, “Tanggapin mo ang ilaw ni Kristo…Panatilihin mong nakasindi ito upang sa pagdating ng Panginoon ikaw ay makasalubong…”�
Obvious ba na ang pinagkuhanan ng inspirasyon para sa linyang iyon ay ang Gospel reading na narinig natin? Ito ang parable tungkol sa sampung dalaga na sumasalubong daw sa lalaking bagong kasal. Pare-pareho naman silang naghintay, nagdala ng kanilang mga nakasinding ilawan, pare-pareho din silang nakatulog at nagising nang dumating ang hinihintay. Ano ang ipinagkaiba ng limang marunong sa limang mangmang? Namatayan ng ilaw ang lima, kasi hindi sila nagbaon ng extrang langis; paano sila sasalubong? Ayun napagsarhan sila tuloy. Iyung lima nakasalubong dahil may baon silang langis, sakaling maatraaso ang pagdating ng sinasalubong.
Parable ito. Talinghaga, kailangan pagnilayan. Tungkol daw sa kaharian ng Diyos na parang kasalan. Kung gusto mong makasama sa handaan, sumalubong ka. At dahil ilaw ang pansalubong mo sa pagdating niya sa gabi, kailangan nakasindi ang ilaw. Ano ang dapat gawin para hindi mamatayan ng ilaw? Kung gasera iyan, medyo ingatan mo sa hangin. Takpan mo o tabingan sa pinagmumulan ng hangin. At para hindi maubos nang mabilis ang langis, baka kailangang bawasan nang konti ang pabelo. Pag masyadong malaki ang pabelo, masyado ring malaki ang apoy at malakas humigop ng langis. Pero di ba minsan, sa kabila ng lahat ng pag-iingat, pwede pa ring mamatayan ng apoy, hindi dahil sa hangin. Minsan ang problema hindi sa labas galing kundi sa loob—ubo na pala ng langis. Hindi mo napansin at napaghandaan, walang baon.
Hindi naman baon na langis, kundi dunong ang talagang pinahahalagahan sa ating ebanghelyo.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press