MADILIM BA ANG IYONG PANINGIN? | Homily for Fourth Sunday of Lent (A)
MADILIM BA ANG IYONG PANINGIN?
Kapag pananaw natin ang ginamit, madalas ang nakikita’y pangit. Kahit napakaraming magandang bagay sa mundo o magandang katangian sa isang tao, bakit nga ba ang madalas na pinagtutuunan ng pansin ay iyong hindi maganda? Dahil binubulag ng kayabangan at kasalanan ang ating mga mata para makita ang mabuti at maganda. Pero hindi ba, noong likhain ng Diyos ang mundo, ang lahat ay nakita niya bilang mabuti? Kaya nga ngayong panahon ng Kuwaresma, sana’y manaig sa atin ang pananaw na ibinahagi sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Kung paanong nakakita siya ng mabuti kay David na hindi nakita ng iba, gayundin kay Saulo na hinirang niya upang maging si Pablong taga-pangaral at ang lahat ng kanyang mga apostol at mga banal, may nakikita rin siyang kabutihan sa iyo. Maaring hindi mo ito nakikita sa sarili mo at maaaring hindi ito nakikita ng ibang tao sa iyo. Pero kaya ka pinili at hinirang upang maging Kristiyano, dahil may nakita sa iyo si Kristo. Kaya sana, huwag din nawa nating ipagkait ang mabuting pagtingin sa sarili o sa kapwa tao. Huwag tayong tumulad sa mga Pariseo sa Ebanghelyo, na hindi man lang nakita ang kapangyarihan ng Diyos na bumago sa buhay ng bulag. Sila ang nanatiling bulag sa magagandang bagay na inihahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo.
Show More
Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ikaapat naLinggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A) | 19 Marso 2023
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulacan
1 Samuel 16, 1b. 6-7. 10-13a.
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6
Pastol ko’y Panginoong D’yos,
hindi ako magdarahop.
Efeso 5, 8-14
Juan 9, 1-41
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify |











