Mangangaral Audio Bible | Tagalog Audio Bible
Tagalog Prayers
Ang aklat ng Mangangaral ay naglalaman ng mga kaisipan ng isang lalaking nagbubulay-bulay sa kaiklian ng buhay ng tao. Tinatalakay rin dito ang salungatan ng buhay, kawalan ng katarungan at ang pagkabigo. Nagwawakas ito sa pagsasabing "ang buhay ay walang kabuluhan." Hindi niya maunawaan ang mga paraan ng Diyos na may hawak sa buhay ng tao. Gayunman, pinapayuhan niya ang mga tao na magtrabahong mabuti subalit magsaya rin dahil sa mga kaloob ng Diyos.
Karamihan sa iniisip ng Mangangaral ay negatibo at may diwang malungkot. Subalit ipinapakita sa aklat na ito na ang pananampalatayang batay sa Biblia ay higit na malawak at maaaring tingnan ang kawalan ng pag-asa at pag-aalinlangan bilang bahagi nito. Gayunpaman, marami ang nakadarama ng kaaliwan pagkat nasasalamin nila sa aklat na ito ang kanilang sarili. Natutuklasan nila ang Bibliang bumabanggit ng mga isipang ito ay nagbibigay rin ng pag-asa mula sa Diyos na nagkakaloob ng kahulugan ng buhay.
Show More
NILALAMAN
May kabuluhan ba ang buhay? (1:1-2:26)
Mga kasabihan patungkol sa buhay (3:1-11:8)
Mga panghuling payo para sa mga kabataan (11:9-12:8)
Ang tunay na layunin ng buhay (12:9-14)
Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/
Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music
#tagalogbible
#bible
#mangangaral
#thebookofecclesiastes
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos











