Mapagkakatiwalaan Mo Ba ang Bibliya?
Kaibigan, may napaka-importanteng tanong ako para sayo. Ang tanong na ito ay maaaring makapagbabago ng iyong buhay, ng iyong pananampalataya, at ng iyong mga desisyon sa hinaharap.
Ang tanong ay ito: Mapagkakatiwalaan mo ba ang Bibliya? Totoo kayang ang Bibliya ay tunay na salita ng Diyos o hindi kaya, isa lamang itong ordinaryong libro na sinulat ng mga napanlinlang at nagkukunwaring alagad ng Diyos?
Sa araw na ito, nais naming ibahagi sa inyo ang pitong ebidensya or pruweba na nagpapatunay na ang Bibliya ay ang totoong Salita ng Diyos. Samahan niyo po kami sa pagtuklas ng mga importanteng ebidensya na magtuturo sa atin ng katotohanan.











