MAS MAHALAGA | Homily for 17th Sunday in Ordinary Time (A)
MAS MAHALAGA
Hindi naman sinasabi ng ebanghelyo na talikuran na lang natin ang mga dapat nating harapin sa mundo tulad ng mga sitwasyon natin sa buhay. Pero sa pagharap natin sa mga ito, tiyakin nating ang layunin pa rin ay ang makamit ang pinakamahalaga: ang kaligtasan ng ating kaluluwa, ang makapiling ang Diyos sa kanyang Kaharian. Kung mayroon mang tatalikuran, ito ay ang kasalanan at ang mga pananaw at pamamaraan na hindi naaayon sa kanyang kalooban. Kung ang ibig sabihin ng pag-unlad sa buhay ay pandaraya at panlalamang sa kapwa o pagtapak sa karapatan ng iba o paglabag sa mga utos ng Diyos, mas mainam na ngang “ipagbili ang lahat” para sa mamahaling perlas o sa bukid na may kayamanan. Dahil dito, mahalaga talaga ang hiniling ni Solomon sa Diyos: “Bigyan mo ako ng isang pusong maunawain at marunong kumilala ng masama at magaling.” Dahil sa pamamagitan ng karunungan, matutunton natin kung ano ba talaga ang dapat nating piliin.
Show More
Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-17 na Linggo sa Karaniwang Panahon (A) | 30 Hulyo 2023
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoian Church
1 Hari 3, 5. 7-12
Salmo 118, 57 at 72. 76-77. 127-128. 129-130.
Iniibig ko nang lubos
tanang utos mo, Poong D’yos.
Roma 8, 28-30
Mateo 13, 44-4
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#17thSundayInOrdinaryTime
#SundayHomily











