The Hardened Heart

8,145 views,

WOTG - Word On The Go

113,000 views

Click to join 👉 community.wotgonline.com/chat

Kaibigan, ito mismo ang pag-uusapan natin ngayon. Tinutuloy natin ang series natin na “Heart Check,” at ang mensahe natin ay may pamagat na “Ang Matigas na Puso.” o The Hardened Heart” At gusto kong sabihin agad sa iyo na hindi lang ito tungkol sa mga Israelitang matagal nang patay na, o sa mga relihiyosong tao noon. Hindi, ito ay tungkol sa iyo. Sa akin. Sa atin. Sa mga puso nating madaling mapagod, madaling magtampo, madaling mapalayo sa Diyos kapag hindi natin bantayan.

Tandaan mo, ang pagiging matigas ng puso, hindi yan nangyayari overnight. Hindi yan parang switch na isang pindot lang, matigas na agad. Para yang tinapay sa counter, unti-unti. Kapag paulit-ulit mong tinatanggihan ang paalala ni Lord. Kapag lagi mong dini-delay ang pagsunod. Kapag sinasarili mo ang mga laban mo sa buhay, imbes na lumapit ka sa Kanya at makipag-palakasan kasama ang kapatiran gaya ng isang discipleship group, dyan nagsisimula ang katigasan ng puso.

Baka iniisip mo ngayon, “Eh Pastor, hindi naman ako ganun. Nagbabasa ako ng Bible. Nagcha-church ako. Mahal ko si Lord.” At totoo ‘yan. Pero gusto kong i-remind ka, yung mga Pharisees, kabisado ang first five books of the Bible. Yung mga Israelita, nakita si Lord na naghiwalay ng dagat at nagpaulan ng manna. Pero sa kabila ng lahat ng iyon, hindi sila nakapasok sa promised land. Bakit? Kasi tumigas ang puso nila.

Kaibigan, kung nararamdaman mong medyo nanlalamig ka na, kung worship feels like routine, kung quiet time feels like chore, kung mas madalas mo nang piliin ang convenience kesa conviction. Ito na ang oras para magising. Ito ang paalala ng Diyos sa iyo ngayon na huwag mong patigasin ang puso mo.

At kung ikaw naman ay nasa magandang spiritual state ngayon, praise God! Pero wag mong isipin na exempted ka. Kasi kung hindi tayo magbabantay ng tuloytuloy, kahit tayo ay pwedeng tamaan ng “silent hardening” ng puso. Kaya itong mensahe na ito ay pampagising sa natutulog, pampalambot sa naninigas, at panangga sa natutukso.

Kaya huwag kang aalis, tapusin mo itong mensahe hanggang dulo. At panalangin ko na bumalik ang lambot sa puso mong minsang nag-aalab. Na maramdaman mo ulit ang sigla ng relasyon mo kay Lord. At na maingatan mo din ang puso mo sa gitna ng mga bagay na humihila sa atin para sa pagtigas ng puso.

The Hardened Heart
Obey Today
Break the Cycle of Rebellion
Encourage One Another Daily

Support this ministry: wotgonline.com/donate/

Receive Daily Encouragement and Inspiration: https://forms.gle/DwnYNTfuM9rMRv1DA
Join our Online Discipleship Group, register here: https://forms.gle/TrfuEdmkWYc5dR5u7
Ready to Answer: bit.ly/readytoansweryt
Wotg Tagalog Bible Study: bit.ly/YT-WotgTagalogBibleStudy
Message Scipt: bit.ly/SCRIPT-TheHardenedHeartPart3
Life Application and Missional Guide (LAMG): bit.ly/LAMG-TheHardenedHeartPart3
Join our Worship Service: community.wotgonline.com/worship
Share your Testimony with us: https://forms.gle/mVsdH6ZMk5uBLfiH8
Baptism Registration Link: https://forms.gle/HtuKtHahMhrmK8vD8

You Are Worth It All_(Instrumental) from WOTG | Praise

#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #wotg #Christianvlog

Related Videos

 /