MATINIK


MATINIK
Homiliya para sa Unang Linggo ng Kuwaresma,
9 Marso 2025, Lk 4:1-13

Pumasok na tayo sa panahon ng kuwaresma noong nakaraang Miyerkoles ng Abo. Kaya kuwaresma dahil kuwarenta. Pagkakataon ito para sa apatnapung araw mga pagsasanay na espiritwal. Sa unang araw pa lang, noong Miyerkoles ng Abo, tatlong spiritual exercises na agad ang itinuro sa atin ng ebanghelyo: ang tamang paraan ng pagkakawanggawa, pananalangin at pag-aayuno. Hindi totoo ang pagsasanay, aniya kung pakitang-tao lang. Sa araw naman na ito ng unang Linggo ng Kuwaresma ang spiritual exercises naman na itinuturo sa atin ng ebanghelyo ay ang matalinong pagharap sa mga tukso ng Dimonyo. (Ang tunay na mga labanan na kailangan nating harapin sa mundo, sabi ni San Pablo ay mga labanang espiritwal. Hindi kapwa tao kundi dimonyo ang kalaban natin. Hindi katawan kundi kalooban natin ang pinupuntirya niyang kontrolahin.)
Ewan kung bakit sa Pilipino ginagamit din natin ang salitang MATINIK para ilarawan ang isang taong matalino o mahusay mag-isip. Siguro, ang tao parang rosas din—hindi sapat ang maganda at mabango lang siya. Kailangan matinik din. Panlaban daw ng rosas ang mga tinik niya, sa mga ibig sumira sa kanyang bango at ganda. Ganyan din sa tao. Dahil may kalaban tayo na ang laging hangad ay sirain ang likas na ganda at bango ng ating pagkatao, kailangan din natin tinik, ng talinong panlaban.
Ito ang nakikita ko bilang napaka-importanteng papel ng Espiritu Santo sa buhay natin sa mundo. Mas gusto ko ang salitang ginagamit ni San Lukas tungkol sa papel ng Espiritu Santo: pinatnubayan daw si Hesus sa pagharap niya sa mga tukso ng Diyablo.
Ang larawan na pumapasok sa isip ko ay isang sundalo na kailangang tumawid sa isang bukirin na puno ng “land mines” na hindi niya nakikita dahil nakabaon sa lupa. Pero may kasama siya na nakapuwesto sa di-kalayuan, nakasilip sa binoculars na nakaka-detect sa mga puwesto ng mga nakabaon na bomba. Ginagabayan niya ang sundalo sa pamamagitan ng walkie-talkie para

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press