MGA IMAHEN, BAKIT TINAKPAN? | Homily for Fifth Sunday of Lent (A)
MGA IMAHEN, BAKIT TINAKPAN?
Mapapansin mo siguro ngayon na may takip ang mga imahen sa simbahan. Hudyat ito ng pagsisimula ng Passiontide o ang mga araw ng pagninilay sa pagpapakasakit at kamatayan ng Panginoon. Ang tradisyon ng pagtatakip ng mga imahen ay nagpapaalala sa atin na natatakpan ng kasalanan ang ating mga mata upang ganap nating makita ang Diyos. Kaya patuloy na panawagan ito na dumulog sa sakramento ng Kumpisal upang mapawi ang espiritwal nating pagkabulag sa pamamagitan ng pagsisisi sa kasalanan. Ipinapahiwatig rin nito ang pansamantalang pagkukubli o pagtatago ng kadakilaan ni Hesus bilang Diyos sa mga panahong siya ay napasailalim sa karahasan ng tao at sa kapangyarihan ng kamatayan. Paanyaya rin ito ng Simbahan na pag-igtingin ang pag-aayuno, hindi lamang mula sa pagkain kundi sa pagtingin o fasting of the eyes and fasting of the senses. Dahil nakasanayan na nating nagdarasal nang may nakikita at nahahawakan, hinahamon tayo na manalangin gamit lamang ang pandama at paningin ng ating puso; hanapin natin ang Panginoon hindi lamang sa labas ng ating sarili o sa loob ng simbahan kundi sa loob rin ng ating pagkatao.
Show More
Part 1 Homily by Fr. Franz Dizon
Ikalimang Linggo ng Apatnapung Araw na Paghahanda (A) | 26 Marso 2023
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulacan
Ezekiel 37,12-14
Salmo 129, 1-2. 3-4ab. 4k-6. 7-8
Sa piling ng Poong Diyos
may pag-ibig at pagtubos.
Roma 8, 8-11
Juan 11, 1-45
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#5thSundayOfLent(A)
#SundayHomily











