Mga Kawikaan Audio Bible | Tagalog Audio Bible


Ang aklat ng Mga Kawikaan ay kalipunan ng mga turo kung papaano mamuhay ng matuwid at kalugod-lugod sa Diyos. Karamihan nito'y tumatalakay sa mga bagay na praktikal at pang-araw-araw. Nagsisimula ito sa pagpapaalalang, "Upang magkaroon ng kaalaman, unahin ang paggalang at pagsunod kay Yahweh," at nagpapatuloy sa pagtalakay sa mga bagay na may kinalaman sa relihiyon at kabutihang-asal. Ang mga kasabihang ito'y naghahayag sa malalim na kaalaman ng mga unang guro ng Israelita tungkol sa kilos ng isang taong marunong. Ang ilan sa mga ito ay may kinalaman sa pangangalakal, sa ugnayang pampamilya, at pakikitungo sa kapwa. Ang iba nama'y tungkol sa magandang pag-uugali at ang iba naman ay tungkol sa pagpipigil sa sarili. Maraming banggit tungkol sa mga katangiang tulad ng pagpapakumbaba, pagtitiyaga, paglingap sa mahihirap, at katapatan sa mga kaibigan.

NILALAMAN
Pagpuri sa karunungan (1:1-9:18)
Mga kawikaan ni Solomon (10:1-29:27)
Mga kawikaan ni Agur (30:1-33)
Mga kawikaan ng ina ni Haring Lemuel (31:1-31)

Show More

Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/

Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music

#tagalogbible
#bible
#kawikaan
#thebookofproverbs
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press