MGA “TANDA” AT “TINIG NG HINAHON”


MGA “TANDA” AT “TINIG NG HINAHON”
Homiliya Para sa Pandaigdigang Araw ng mga Lolo’t Lola,
Misang Bihilya para ika-16 na Linggo ng KP,
22 Hulyo 2023, Mt 13:24-30

Ang Misang ito ay ang pakikiisa ng Diocese of Kalookan sa pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng mga lolo at lola. Ito kasi ang Linggo na pinakamalapit sa Araw ng kapistahan nina San Joaquin at Sta Ana, mga lolo at lola ni Hesus. Salamat kay Papa Francisco, meron na tayong araw na pantapat sa mother’s day at father’s day: ang grandparents’ day.
Sa ating binasang talinghaga sa ebanghelyo, may dalawang tinig tayong narinig: tinig na mapusok at tinig na mahinahon.
Mas tipikal sa mga kabataan ang tinig ba mapusok; sa talinghaga, sila ang mga tauhan ng may-ari ng bukid. Ang alok nilang solusyon para daw mailigtas ang mga trigo at bunutin o puksain ang masamang damo. Hindi ba parang ganito ang dating ng magkapatid na sina Santiago at Juan, nang minsang ayaw silang padaanin ng mga Samaritano sa kanilang bayan dahil patungo sila sa Jerusalem. Sabi nila kay Hesus, “Panginoon, paulanin kaya natin ng apoy ang masusungit na iyan para pugnawin na sila sa balat ng lupa!” Wow, ang init ng ulo. Ang sagot ni Hesus ay, “Maghunosdili kayo. Humanap na lang tayo ng ibang daan.”
Ang ikalawang boses sa talinghaga ang may-ari ng bukid: “huwag magpadalos-dalos, aniya, baka sa hindi ninyo sinasadya pati mga trigo ay masaktan ninyo o mabunot.” Lalo na’t ang masamang damo pala ay hawig na hawig sa trigo.
Sabi ng mahinahon na tinig na amo sa talinghaga, “Ang kaaway ang may kagagawan nito.” Ang kaaway ay si Satanas; siya lang naman ang itinuro sa atin na itakwil, di ba? Sabi ni San Pablo, “Hindi laman at dugo ang kaaway naton sa mundo. Walang binhi ng masamang damo na galing sa Diyos. Ibig sabihin, walang likas na masamang tao dito sa mundo, kahit lahat ng tao may kakayahang makagawa ng masama. Ang mabuting binhi at masamang damo sa kwento ay hindi tungkol sa labanan ng mabuti at masamang tao. Ang tinutukoy niyang labanan ay labanan ng

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press