Micas Audio Bible | Tagalog Audio Bible


Si Propeta Mikas, kasabayan ni Isaias, ay mula sa isang nayon Kaharian ng Juda. Naniniwala siya na malapit nang danasin ng Juda ang kapahamakan tulad ng ipinahayag ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Amos sa Kaharian ng Israel. Dahil dito, paparusahan ng Diyos ang mga tao dahil sa di-makatarungang gawain. Gayunman, ang pahayag ni Mikas ay nagtataglay ng higit na malinaw na palatandaan ng pag-asa para sa hinaharap.
Kapansin-pansin ang mga bahaging naglalarawan sa pandaigdig ng kapayapaan sa ilalim ng pag-hahari ng Diyos (4:1-4); ang propesiya tungkol sa isang dakilang Haring magbubuhat sa lahi ni David at maghahatid ng kapayapaan sa bansa (5:2-4). Sa isang talata (6:8), ibinigay ng may-akda ang buod ng sinasabi ng mga propeta ng Israel: "Ito ang nais ni Yahweh: Maging makatarungan ka sa lahat ng bagay, patuloy mong mahalin ang iyong kapwa, at buong pagpakumbabang sumunod ka sa iyong Diyos."

NILALAMAN
Paghatol sa Israel at sa Juda (1:1-3:12)
Pagpapanumbalik at kapayapaan (4:1-5:15)
Pahayag ng babala at pag-asa (6:1-7:20)

Show More

Credits:
Para sa background videos
https://www.pexels.com/videos/

Para sa background music
https://youtu.be/eAc4dTLvbRk
Mood Videos - Creative Background Music

#tagalogbible
#bible
#mikas
#thebookofmicah
#tagalogprayer
#tagalogprayers
#tagalogbible
#salitangdiyos

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press