Nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng Hades.
READ SCRIPTURE
MATEO 16:17-20
Sinabi ni Jesus sa kanya, “Pinagpala ka ng Dios, Simon na anak ni Jonas. Sapagkat hindi tao ang nagpahayag sa iyo ng bagay na ito kundi ang aking Amang nasa langit.
Show More
At ngayon sinasabi ko sa iyo na ikaw si Pedro, at sa batong ito, itatayo ko ang aking iglesya, at hindi ito malulupig kahit ng kapangyarihan ng kamatayan.
Ibibigay ko sa iyo ang kapangyarihan sa kaharian ng Dios. Anuman ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal din sa langit, at anuman ang ipahintulot mo sa lupa ay ipapahintulot din sa langit.”
Pagkatapos nito, sinabihan ni Jesus ang mga tagasunod niya na huwag nilang ipaalam kahit kanino na siya ang Cristo
2 TIMOTEO 3:16-17
Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios.
#ReadScriptures
#susi
#kapangyarihan
PLEASE SUBSCRIBE TO OUR CHANNEL...
GOD BLES YOU ALL...











