PABAON SA PAGLISAN


PABAON SA PAGLISAN
Misa ng Huling Hapunan,
28 Marso 2024, Juan 13, 1-15

Sa tuwing binabasa ko ang introduction ng kuwento ni San Juan sa ebanghelyong binabasa sa Misa ng Huling Hapunan, para akong naiiyak. Makabagbag damdamin kasi. Parang katulad ng sinasabi ng kanta ng band Color It Red na inawit ni Cookie Chua na pinamagatang PAGLISAN, na paborito ng maraming Pilipino, isang kantang nakakaiyak din. (I apologize that I attributed the song to Aiza Seguerra in my actual delivery of this homily.) Narinig ko nang kinanta ito sa isang choir sa funeral Mass ng kanilang choirmaster na namatay dahil sa sakit na cancer. Sa simula pa lang kanta, rinig ko nang gumagaralgal ang mga boses nila.
“Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti
at ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin
Di mo man silip ang langit
Di mo man silip ito’y nandirito pa rin.”
Pero sa refrain bumigay na sila talaga. Kaya tumulong ang lahat ng nagsisimba na makikanta sa refrain dahil alam din naman nila ang kanta. Nagsimula na kasing maghahagulgol noon ang mga choir doon sa parteng makabagbag damdamin:
“Kung ang lahat ay may katapusan, itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan
At sa iyong paglisan ang tanging pabaon ko ay pag-ibig.”
Ganito rin ang sinasabi ni San Juan sa kuwento niya tungkol sa mga pangyayaring naganap noong gabing iyon ng kanilang huling pagsasama. “Alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga alagad…at ngayon ay ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pagmamahal sa kanila.”
Dahil kapag Semana Santa sanay naman tayo sa mahahabang pagbasa sa ebanghelyo, minsan wish ko lang na sana, sa Misa ng Huling Hapunan, ang basahin para sa ebanghelyo ay hindi lang ang chapter 13, kundi ang buong Farewell Address ni Hesus. Introduction lang kasi ang kuwento ng hapunan at paghuhugas ng paa sa chapter 13. Meron din namang sariling mga ulat sina San Mateo, Markos at Lukas tungkol sa Huling Hapunan. Pero ang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press