PAG-IBIG NA NAILATHALA | SPOKEN WORD POETRY TAGALOG HUGOT | MERCY BLESS

2,687 views,

MERCY BLESS

246,000 views

PAG-IBIG NA NAILATHALA"
SPOKEN WORD POETRY
By:Ian Joshua Ejar
Produced by : MERCY BLESS

Nang una kitang makita
May kung anong hiwaga kang dala
Bigla nalang akong napatanong sa sarili,
Kung ikaw na nga ba?

Nagtataka at naguguluhan
Pilit kitang iniiwasan
Ngunit tadhana na ang gumawa ng paraan
upang magtagpo ang ating magkasangang daan.

Iba ka sa lahat ng nakilala.
Kaya siguro akoy iyong napahanga.
Sa taglay mong kabaitan at tamis ng pagtawa,
Nabihag mo ang puso kong nangangamba.

Maging si Bathala ay akin ng tinanong.
Kung bakit ka dumating at naparoon?
Bakit kailangang sa ganito pang pagkakataon,
Ikaw na ba ang pinadala ng panginoon?

Sa pag daan ng mga araw
Damdamin koy nag uumapaw
Puso ko'y mistulang sa pag-tingin moy nauuhaw.
Ikaw ang nasa isipan sa gabing mapanglaw.

Hindi ko na yata kaya...
Kailangan ng magtapat aking sinta.
Hindi ko alam kung saan magsisimula.
Tama pa ba kung ipagpatuloy ko pa?
Kung ang pagmamahal na to ay maglilikha lamang ng mga luha..

May mga bagay na hindi ako sigurado.
Mga taong hindi pa makabisado.
Pero pagdating sayo, alam ko.
Sayo lang ako nagkaganito,
Sayo lang ako magiging kampante at sigurado.
Dahil kapag ikaw ay nariyan,
Payapa ang aking puso.

Kayat isang gabi, inihanda ang aking puso.
Upang mailathala itong nararamdaman ko para sayo.
Kailangan ng magtapat,
Kahit alam kong hindi ako nararapat.

Sinimulan kong itinanong sayo.
Bakit kailangang magkaganito,
Bakit ako nasasaktan ng dahil sayo?
Mali bang ikaw ang minahal ko,
O mali dahil sa ganito ako?

Ilang beses ng nagmahal at nasaktan.
Palaging maling tao ang pinaglalaanan,
ng pagmamahal na lagi akong nakikipaglaban.
Kaya ng dumating ka,
Kasabay nun ang paghiling
Na sana ngayon, manalo naman.

Patuloy kitang mamahalin.
Magiging laman ka ng bawat panalangin.
Dahil kung ikaw talaga ang inilaan para sa akin,
Walang magiging hadlang,
Walang magiging alinlangan.

Hahayaan ang panginoon na syang maging akda,
Ng pag ibig ko sayo na akin ng nailathala.
Hahayaan na lamang ang tadhana
na pagtatagpuin muli ang landas nating dalawa
Sapagkat puso'y ko'y magiging sigurado na.

Related Videos

 /