PAGKAKAUNAWAAN | Homily for Pentecost Sunday (A)
PAGKAKAUNAWAAN
Kaya naman sa pagbaba ng ipinangakong Espiritu Santo noong pentekostes, nagkaroon ng katuparan ang pangako na ang batas na tinanggap ni Moises nang nakaukit sa bato, balang araw ay mauukit na sa puso ng tao. Kaya naman, narinig natin sa unang pagbasa ngayon mula sa gawa ng mga apostol kung paanong naunawaan ng mga tao ang mga alagad kahit pa sila’y mula sa iba’t ibang lugar. Bagaman, possible ang mahimalang pagsasalita ng ibang wika ng mga alagad bilang kaloob ng Espiritu Santo, maaari din natin itong tingan bilang paalala na mayroong isang wika na maaaring maintindihan ng lahat, anumang bansa ang pinanggalingan: ang wika ng pag-ibig. Sinasabing ang pahayag ni San Lucas tungkol sa araw ng pentekostes ay puno ng mga simbolo at maaaring ito’y nagpapahayag na ang susi sa pagdami ng mga mananampalatayang Kristiyano ay ang “pangungusap ng pag-ibig” o ang mabuting pamumuhay ng mga unang alagad. Ang pagmamalasakitan, pagpapatawaran at pagmamahalan ay mga malakas na pangungusap kahit hindi gamitan ng salita. Ito ang wika ng pag-ibig na maiintindihan ng lahat at siyang magpapatotoo sa pananampalatayang ipinapahayag.
Show More
Full Homily by Fr. Franz Dizon
Linggo ng Pentekostes (A) | 28 Mayo 2023
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulacan
Mga Gawa 2, 1-11
Salmo 103, 1ab at 24ak. 29bk-30. 31 at 34
Espiritu mo’y suguin, Poon, tana’y ‘yong baguhin.
1 Corinto 12, 3b-7. 12-13
Juan 20, 19-23
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#PentecostSunday
#SundayHomily











