Pagkamulat


PAGKAMULAT
Homiliya para sa Kapistahan ng Pagkakabinyag ng Panginoon,
12 Enero 2025, Lk. 3:15-16,21-22

Hindi si Juan Bautista ang nagbinyag kay Hesus kundi ang Espiritu Santo. Naging okasyon lang ang paglulublob na ginawa ni Juan sa kanya para sa pagbaba ng Espiritu Santo. Ang Espiritu ang pumukaw sa kalooban niya at nagbigay sa kanya ng ganap na pagkamulat kung sino ba siya talaga: hindi lang siya anak nina Jose at Maria, kundi ANAK NG DIYOS! Iyon ang mensaheng ipinamulat sa kanya ng karanasang niyang iyon sa Jordan matapos na babaan siya ng Espiritu: “Ikaw ang ANAK KONG PINAKAMAMAHAL na lubos kong kinagigiliwan.”
Kaya pala kahit nasa apat na ebanghelyo ang kuwentong ito ng pagbibinyag ni Juan kay Hesus sa Jordan, kakaiba ang pagkakakuwento ni San Lukas. Kay San Markos, pagkalublob niya, noon mismong paglabas niya sa tubig, noon bumaba ang Espiritu. Kay San Lukas, hindi kaagad. Tapos na ang ritwal ng paglulublob. Wala na siya sa tubig; nasa isang lugar na siya kasama ang iba pang mga inilublob din ni Juan. Habang nananalangin siya, noon siya binabaan ng Espiritu Santo. Iyon ang naging sandali ng pagkamulat. (Huwag nating kalimutan: kahit Diyos siyang totoo, tao din siyang totoo. Kinailangan din niyang mag-aral, para matuto at unti-unting mamulat. At iyon ang naging papel ni Juan Bautista sa buhay niya. Inihanda siya para sa ganap na pagkamulat sa kung sino talaga siya at kung ano ang misyon niya.)
Ang pagkamulat na ito ang naging batayan ng naging pangunahing mensahe at mabuting balitang hatid niya: ang AMA NAMIN. Hindi lang pala ito panalangin kundi ang pinaka-ubod ng katuruan ni Hesus. Ang AMA NAMIN ay ang turo ni Hesus na dapat isagot ng TAO sa Diyos na kumikilala sa atin bilang kanyang ANAK, sa pamamagitan ng Espiritung gumigising sa ating kalooban kung sino tayo sa mata ng Diyos.
May isang kuwento tungkol sa isang batang kinidnap ng isang babaeng may diprensya sa pag-iisip. Matagal daw siyang pinaghahanap ng tunay na magulang. Lumipas ang panahon, namatay

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press