Pagsisisi at Paghahanda | Homily for the Second Sunday of Advent (B)


Pagsisisi at Paghahanda

Pakinggan natin ang panawagan ni Juan Bautista, ang tinig ng sumisigaw sa ilang na noon pa ma’y ipinahayag na ng mga propeta: “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, at pabinyag kayo upang kayo’y patawarin ng Diyos.” Ito ang tinukoy niyang pamamaraan upang maganap ang sinasabi ni Propeta Isaias na “‘Ihanda ninyo ang daraanan ng Panginoon, tuwirin ninyo ang kanyang mga landas!’” Ang paghahanda na inaasahan mula sa atin ay ang paglilinis ng puso mula sa kasalanan. Ito ang kalugod-lugod na paghahanda sa pagdating ng Panginoon. Hindi nga ba’t sinasabi rin sa Salmo 51:17 na “ang handog ko, O Diyos, na karapat-dapat ay ang pakumbaba't pusong mapagtapat.” Kung bukas ang puso at mapagkumbabang loob, hindi nito hahayaan na ang mamayani roon ay ang kasalanan. Ang pagsisisi sa kasalanan ay pag-amin na kailangan natin ng Diyos at ng dulot niyang kaligtasan. Kaya naman sa pusong nagsisisi, talagang ang Panginoon ay darating.

Show More

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-2 Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B) | 10 Disyembre 2023
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoian Church

Isaias 40, 1-5. 9-11
Salmo 84, 9ab-10. 11-12. 13-14
Pag-ibig mo’y ipakita,
iligtas kami sa dusa.
2 Pedro 3, 8-14
Marcos 1, 1-8
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#SecondSundayofAdvent
#SundayHomily

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press