PAGTANGGAP AT PAGPAPASAN | Homily for 13th Sunday in Ordinary Time (A)
PAGTANGGAP AT PAGPAPASAN
Ang mga magulang na nagsusumikap itaguyod ang mga anak sa gitna ng pagod sa pagtatrabaho kahit mahirap ang buhay. Ang mga anak na nagsisikap makinig sa pangaral ng magulang kahit kung minsan ay sinasawaan na, pero kahit papaano’y sumusunod pa rin naman kahit kung minsa’y mabigat sa loob. Ito ang mga pasang krus na hindi lang natin basta tinitiis kundi buong pusong niyayakap hindi lang para sa pamilya kundi para na rin sa Diyos na ipinagkatiwala rin sa atin ang pamilya bilang misyon. Kaya nga ang pari, inaasahan din na sa kabila ng mga pribilehiyong kanyang nakakamtan, mananatiling nakayakap pa rin sa Krus ng Panginoon. Madalas ko ngang sabihin sa mga seminarista at kahit na sa mga kapatid kong pari, “Sa tuwing marami ka nang reklamo dahil sa hirap ng buhay at mga gampanin, tumingin ka sa Panginoong nakabayubay ka sa Krus. Mayroon ba siyang reklamo? Wala. Nasasanktan ba siya? Oo. Pero masaya ba siya? Oo. Dahil hindi lang niya tinanggap ang Krus, niyakap niya ito. Tandaan, hindi lang pari o lingkod ng Diyos ang dapat yakapin at tanggapin. Dapat din nating mahalin at tanggapin ang mga Krus na pasanin sapagkat ito ang landas sa kaligtasan natin.
Show More
Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-13 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) | 2 Hulyo 2023
Our Lady of Mount Carmel Parish - Barasoian Church
2 Hari 4, 8-11. 14-16a
Salmo 88, 2-3. 16-17. 18-19
Pag-ibig mong walang maliw
ay lagi kong sasambitin.
Roma 6, 3-4. 8-11
Mateo 10, 37-42
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka | https://www.mylyka.com/share/um/samad...
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#13thSundayInOrdinaryTime
#SundayHomily











