PAGTATALO SA SAMAHAN


PAGTATALO SA SAMAHAN
Homiliya ara sa Hwebes sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay,
Ika-4 ng Mayo 2023, Juan 13:16-20

Isa sa mga bagay na kailangang harapin at tanggapin sa samahan ng mga alagad ni Kristo ay ang mga okasyon ng pagtatalo at di-pagkakaunawaan. Minsan kasi akala natin laging napaka-“ideal” ng pagsasama ng mga early Christian communities. Tipong niro-romanticize tuloy natin sila. Katulad ng description ni San Lukas sa Acts 2,42-47 at Acts 4,32-35. Ang mga alagad daw sa Jerusalem ay nagkakaisa ng puso’t diwa, kusa daw silang nagbabahaginan ng lahat ng meron sila para walang mapabayaan sa kanila. Totoo ba ito? Minsan oo, minsan hindi. Marami ding hinarap na aberya ang mga early Christian communities, katulad ng mga pagtatalo na humantong sa pagkakatatag ng ministry ng mga diyakono—para daw maging patas ang bahaginan nila dahil nga merong mga balo na napapabayaan sa kanilang komunidad. (Acts 6:1-7)
Si San Pablo nga hindi naman siya tanggap kaagad ng ilan sa mga apostol sa Jerusalem noong una. At si San Pedro, kahit pa siya ang pinili ni Hesus na mamuno sa kanila, minsan sinasapawan siya ng iba, katulad ni James na pinsan daw ni Hesus, na napaka-adelantado ang dating at medyo assertive ng kanyang otoridad. (Gal 2:11-14)
Kung uso na ang labeling noon, baka tinawag na “ultra-conservative” itong si James na kamaganak ni Hesus at “liberal” o “progressive” itong si Paul. Nagbabatuhan din sila ng batikos sa isa’t isa. At kung meron na sigurong social media noon, baka kung ano-ano rin ang pinagpo-post nila laban sa isa’t isa, tulad ng madalas mangyari ngayon.
Parang ganoon din ang dating ni Mark (a.ka. John Mark) sa ating first reading ngayon sa Acts of the Apostles. Narinig natin sa kuwento kung paano nauwi ang pagtatalo sa paglayas ni Markos sa mission team na pinamumunuan ng pinsan niyang si Barnabas (Acts 13:13). Sabi ni San Lukas, basta na lang sila iniwan na walang paalam sa may bayan ng Pamphylia. Saan ba siya nagpunta? Sa Jerusalem daw. Ang tanong ko ay,

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press