PAKITANG TAO | Homily for Ash Wednesday (A)


Sa Madaling Sabi

2,890 views

PAKITANG TAO

Ang Kuwaresma ay ang apatnapung araw ng paghahanda sa pag-alala at pagdiriwang sa pagpapakasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo. Ang abo na inilalagay sa noo ay tanda ng ating kaabahan bilang mga nilikha mula sa alabok. Ipinapaalala sa atin na wala tayong karapatang magmalaki sa Panginoon dahil utang na loob natin sa kanya ang ating buhay. Ipinapaalala rin sa atin ngayon ang katotohanan ng ating karupukan at hangganan: “Ikaw ay alabok at sa alabok ka rin magbabalik.” Marupok ang ating pagkatao kaya nga nahuhulog din tayo sa kasalanan kaya ang abo ay paalala ng dungis na idinudulot nito sa ating pagkatao at sa ating dignidad bilang mga anak ng Diyos. Kung gayon, mayroon bang dahilan para ang abo sa noo’y ipagyabang? Wala. Ang abo ay tanda na tayo’y nangungutangan lang ng loob sa awa at habag ng Diyos.

Show More

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Miyerkules ng Abo (A) | 22 February 2023
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulacan

Joel 2, 12-18
Salmo 50, 3-4, 5-6a. 12-13. 14 at 17
Poon, iyong kaawaan
kaming sa ‘yo’y nagsisuway.
2 Corinto 5, 20 – 6, 2
Mateo 6, 1-6. 16-18
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | / samadalingsabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Spotify | https://open.spotify.com/show/64QyMiU...
Hallow | https://hallow.com/chapters/1311
------------------
#SaMadalingSabi
#MiyerkulesngAbo(A)

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press