PANGALANAN


PANGALANAN
Homiliya para sa Pangwalong Araw ng Simbang Gabi,
Sabado sa Ikatlong Linggo ng Adbiyento,
23 ng Disyembre 2023, Lk 1:57-66

Isa sa pinakamahalagang silbi ng linggwahe para sa tao ay ang pagbibigay ng pangalan sa mga bagay-bagay sa buhay natin. Kaya karamihan sa mga linggwahe ay mayroong diksyunaryo. Importante ang diksyunaryo lalo na kung dayuhan ka sa isang bansa at di mo pa gaanong alam ang salita nila.
May isang pamangkin ako na nagbiyahe sa Spain. Dahil marami tayong mga salitang Tagalog na hiram sa Espanyol akala niya laging pareho ang ibig sabihin ng mga ito sa Kastila, katulad ng “cuchara”, “tenedor”, “cochillo” at iba pang gamit sa mesa. Laking gulat niya na ang “derecho” hindi pala pasulong kundi pakanan sa Espanyol. Ang “siempre” hindi pala “of course” ang ibig sabihin kundi “always”. At minsan, dahil may monthly period siya, nagpunta siya sa drug store at sinabi sa tindero na kailangan niya ng “pasador.” Tanong ng tindero, anong klase daw na pasador? Sabi niya kahit anong brand. Binigyan siya ng pang-ipit ng buhok. “Hair pin” pala ang “pasador” sa Kastila. Paano kaya siya naging sanitary napkin sa Pilipinas?
Sa ibang mga linggwahe, iba ang paraan ng pagtatanong ng pangalan. Imbes na “Ano ang pangalan mo?” ang tanong ay “Paano ka tinatawag?” Pag di natin mahagilap ang salita para sa ibig nating sabihin, minsan hihingi tayo ng tulong. Imu-muwestra mo sa kamay at sasabihin, “Ano nga ba ang tawag sa ganoon?” (Btw, Espanyol din iyan—galing sa mostrar, muestra—ipakita). Ewan ko kung paano minuwestra ng pamangkin ko ang binibili niyang pasador at tuloy hair pin ang binigay sa kanya.
May mga sitwasyon sa buhay ng tao na mahirap talagang pangalanan, hindi lang ang mga bagay-bagay kundi pati mga karanasan at pangyayari sa buhay. Kapag na-shock ang tao o na-trauma sa isang pangyayari, o kapag dumanas siya ng matinding trahedya o pagkasindak, parang nauumid ang dila niya, walang masabi, para si Zacarias. (Marami akong nakitang nagkaganoon sa mga kapamilya

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press