patawad
Diocese of Kalookan
PATAWAD
Homiliya Para sa Huwebes sa ika-19 na Linggo ng KP,
17 Agosto 2023, Mat 18:21-35
Tungkol sa patawad ang ebanghelyo ngayon. Patawad na binawi. Nagpatawad na ang amo sa katiwala niyang may malaking utang, pero binawi niya sa bandang huli.
Ikinwento ni Hesus and talinghaga bilang sagot sa tanong ni Pedro: ilang beses ba ako magpapatawad sa kapwa kong paulit-ulit kung magkasala? May sagot na agad sa sariling tanong niya; ang suggested limit niya—seven times.
Parang medyo salungat ang parable sa sagot ni Hesus sa tanong ni Pedro. Di ba ang sagot ni Hesus, “Hindi pito kundi makapitumpung beses na pito.” Ibig sabihin walang limit. Ganoon pala e bakit ngayon kinukwento niya ang among nagpatawad pero binawi ito? Di ba niya nilimit ang patawad?
Ang palagay kong susi para makuha ang punto ng parable ay ang sinasabi natin sa Ama Namin: “Patawarin mo ang aming mga sala gaya nang pagpapatawad namin sa mga nagkasala sa amin.” Laging dalawa ang direksyon ng patawad sa pananampalatayang Kristiyano: ang humingi ng tawad at magpatawad. Laging magkasama ang dalawa. Para bang sinasabi natin, “Lord, kung di ako marunong magpatawad, huwag nyo rin akong patawarin.” Seriously?
Ganito ang punto ng parable. Pinatawad ang katiwala sa malaki niyang pagkakautang dahil nagmakaawa. Pero hindi nito mapatawad ang kapwa alipin niya sa di-hamak na mas maliit na pagkakautang. Pinagbuhatan pa ng kamay at ipinakulong. Oo, mercy o awa ang patakaran, pero hindi maihihiwalay ang mercy sa justice. Humihingi ka ng awa pero di ka marunong maawa? Para sa sarili awa ang hiniling mong patakaran, pero para sa kapwa justice ang gusto mo? Kaya binawi ng amo ang mercy at sinunod ang patakaran ng justice dahil ito ang gusto mo. Justice ang patakaran hangga’t tayo mismo ay hindi natututong maging maawain.
Ito rin ang punto ng kasabihan, “Ang panukat mo sa kapwa ay siya ring gagamiting panukat sa iyo.” Ang hindi makapagpatawad sa mas maliit na pagkakasala ng kapwa ay walang karapatan na humingi ng tawad para











