PINILI | Homily for 11th Sunday in Ordinary Time (A)


PINILI

Minamahal niya tayo, hindi dahil may magagawa tayo para sa kanya. Dahil kung mayroon mang magagawa, tiyak na kapos din naman sa kaya Niyang gawin. Sa ikalawang pagbasa, sinabi ni San Pablo sa mga taga-Roma: “Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos, ngunit ngayon, tinatanggap na niya tayong mga kaibigan alang-alang sa pagkamatay ng kanyang Anak.” Hindi lang tayo hinirang upang mahalin kundi para tayo’y sagipin at kaibiganin. Tiwala ang malalim na pundasyon ng pagkakaibigan. Kaya sa paghirang ni Hesus sa labindalawa, ipinapahayag niya ang tiwala Niya sa kanila. Hangad ni Hesus na ang tiwalang ito ay mapanagutan ng kanyang mga alagad sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng iniatas sa kanilang tungkulin. Kaya nga matapos ang huling hapunan, sinabi rin ni Hesus sa kanyang mga alagad na ito: “Hindi ko na kayo itinuturing na mga alipin... Sa halip, itinuring ko kayong mga kaibigan… Hinirang ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga at manatili ang inyong bunga” (Juan 15:15-16). Nais ng Panginoon na ang pagmamahal Niya sa kanyang mga alagad ay magbunga sa pagtupad ng tinanggap nilang misyon. Kaya nga sa huli, kung paanong pinili tayo ng Panginoon, nasa ating mga kamay kung pipiliin din ba natin siya sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Mabuting Balita ayon sa kanyang kalooban. Hindi lahat ng labindalawa, nanatili sa pagpili kay Hesus, dahil ang isa sa kanila, bibitiw at magtatatwa sa kanya.

Show More

Full Homily by Fr. Franz Dizon
Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) | 18 Hunyo 2023
Diocesan Shrine and Parish of Nuestra Señora de la Asunción, Bulacan

Exodo 19, 2-6a
Salmo 99, 2. 3. 5
Lahat tayo’y kanyang bayan,
kabilang sa kanyang kawan.
Roma 5, 6-11
Mateo 9, 36 – 10, 8
------------------
Like, Follow and Subscribe!
Facebook | https://www.facebook.com/SaMadalingSabi
Youtube | https://www.youtube.com/c/SaMadalingSabi
Instagram | https://www.instagram.com/samadalings...
Twitter | https://twitter.com/broknight07
Tiktok | https://www.tiktok.com/@samadalingsabi
Lyka |

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press