SALUBONG
Diocese of Kalookan
SALUBONG
Linggo ng Laetare, pang-4 na Linggo ng Kuwaresma,
30 Marso 2025, Lk 15:1-3, 11-32
Noong dumalaw sa atin si Pope Francis, ang habilin niya sa mensahe niya sa 6M kataong dumalo sa Misa sa Luneta ay, “Lumabas, magtungo sa mga nasa laylayan ng lipunan at ng simbahan.”
Ito rin ang mensaheng hatid ng ebanghelyo ng Linggo ng Laetare: ang talinghaga tungkol sa Amang hindi lang naghihintay. Lumalabas. Sa unang bahagi, para salubungin ang bunso. At sa ikalawa, para salubungin ang panganay.
Simulan natin sa una. Minsan sa isang rekoleksyon tinanong ko ang mga dumalo: “Kailan, ayon sa kuwento, nagsisi ang bunso?” Ang sagot ng karamihan ay: “Noong nagdesisyon siyang umuwi at humingi ng tawad sa tatay niya.” Sabi ko, “Palagay ko hindi pa siya nagsisi noon.” Kaya lang siya nagdesisyong umuwi dahil gutom na siya at ubos na ang perang minana at winaldas niya. Di ba nasabi pa niya, mabuti pa ang mga alipin sa bahay ng tatay ko masarap ang kinakain, heto ako namamatay ng gutom.
Humirit ang sumagot, at sabi niya, “Pero di pa po ba iyon ang sandali ng pagkamulat niya sa pagkakamali niya?” Sabi ko, hindi. Takot talaga siyang umuwi dahil may atraso, at baka ipagtabutan siya at mapagsabihang, “Ang kapal naman ng mukha mo at may gana ka pang bumalik gayong kinuha mo na ang mana mo?” Kaya nga naisip niyang mag-inarte para maawa ang tatay niya. Minemorize pa ang tatlong dialogue lines niya…
So kelan siya nagsisi? Noong nakalimutan niya ang pangatlong linya. Bakit? Dahil lumabas ang tatay niya at hindi galit ang isinalubong sa kanya. Noong niyakap siya at ni hindi pinansin ang drama niya. Noong niya naramdaman, anak pa rin ang turing sa kanya, kahit nagkasala siya. Noong yakap na siya ng tatay niya, noong napatahimik siya at di na masabi ang pangatlong linya.
Hindi pananakot at nakapagbabago kundi pagibig na walang kundisyon. Ang kasalanan lang ang kinamumuhian ng Diyos, hindi ang nagkasala.
Pangalawang paglabas: nang magtampo si Kuya dahil nasulsulan ng katulong at nagself-pity—na











