SI BARABAS AT TAYO


SI BARABAS AT TAYO
Biyernes Santo, 29 Marso 2024,
Ang Pasyon ng Panginoon Ayon kay San Juan

Wala daw makitang dahilan ang Romanong Gobernador na si Poncio Pilato para patawan ng parusang kamatayan si Hesus batay sa batas ng Roma. Ang mga punong pari ng templo sa Jerusalem, sila daw ang nagdidiin sa gobernador na dapat daw na maparusahan si Hesus. “Edi parusahan nyo siya ayon sa batas ninyo!” Sabi tuloy ni Pilato. Pero nangatuwiran sila sa kanya; mula daw nang mapailalim sila sa pamamalakad ng gobernador ng Roma, wala na silang otoridad na magpataw ng parusang kamatayan. Kaya kahit labag sa kalooban ni Pilato, pinadaan siya si Hesus sa proseso ng paglilitis. At nakita niya agad na hindi talaga rebelde o subersibo ang taong ito. Hindi gubyerno ang kalaban niya kundi ang institusyon ng templo. Ibang tao ang tumatawag sa kanya na Mesiyas o Hari ng mga Hudyo. Katotohanan lang daw ang itinuturo niya, na hindi matanggap ng mga pari. Nakita agad ni Pilato na hindi usapin ng pulitika ang mga paratang kay Hesus. Kaya sa bandang huli iniwan na lang niya sa mga punong saserdote ang kapalaran ni Hesus; naghugas-kamay siya.
Sa una kasi, akala ni Pilato makukuntento na ang mga punong-pari ng templo kung parurusahan niya si Hesus ng hagupit. Kaya pinahagupit niya siya at dinispley siya sa kanila na duguan at bugbog-sarado. Pero para sa kanila hindi pa sapat ang parusang iyon, kamatayan talaga ang gusto nila para kay Hesus. Hindi nila masabi na ang tunay na dahilan sa matinding galit nila sa kanya ay dahil kinalaban ni Hesus ang kanilang negosyo sa templo. Kaya sa bandang huli, hinayaan na lang sila ni Pilato na gawin kay Hesus ang gusto nila. Humirit pa ngang muli ang governador, baka sakali magbago pa ang isip nila. Kasi, kahit sentensyado na ang tao, pwede pa namang palayain ng gobernador ayon sa Batas, dahil may pribilehiyo siya na magbigay ng amnestiya pag pyesta ng Paskwa. Pero ayaw pa ring sumang-ayon ng mga punong-pari. Si Pilato naman ngayon ang kanilang iniipit;

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press